972 Patuloy na Ginagabayan ng Diyos ang Buhay ng Tao
I
Sa pagbibigay ng mga biyaya,
batas o tuntunin para sa buhay,
ginagawa ng Diyos ay pamunuan
at gabayan ang tao
tungo sa isang normal na buhay.
Kung tao’y sumusunod man sa mga tuntunin
o batas ng Diyos,
Siya’y naghahangad na tao’y ‘di sambahin
si Satanas, ni ang masaktan nito.
Ito ay ginawa sa simula.
Plano Niya’y ‘di para sa Kanya, kundi sa tao.
Ang ginagawa lang Niya’y
upang mapanatili silang ‘di maligaw.
Ginawa ng Diyos ang tao’t
buhay nila’y ginagabayan,
gamit ang mga salita Niya, katotohana’t buhay
upang laging alagaan at tustusan,
at laging suportahan.
Oo, ginawa ng Diyos ang tao’t
buhay nila’y ginagabayan.
II
‘Pag ‘di mo nauunawaan ang katotohanan,
nililiwanagan ka ng Diyos,
‘pinapakita sa ‘yo kung ano’ng
‘di naaayon sa katotohanan,
sinasabi sa ‘yo kung anong dapat mong gawin.
‘Pag sinusuportahan ka ng Diyos,
nararamdaman mo’ng init Niya,
ang Kanyang pagiging kaibig-ibig at suporta.
‘Pag hinahatulan ng Diyos ang paghihimagsik,
sinasaway ka sa mga salita Niya.
Dinidisiplina ka Niya gamit ang mga tao’t bagay.
Siya’y gumagawa nang banayad,
mapagmahal at sukat, wasto sa lahat,
‘di ginagawang mahirap ang mga bagay.
Ginawa ng Diyos ang tao’t
buhay nila’y ginagabayan,
gamit ang mga salita Niya, katotohana’t buhay
upang laging alagaan at tustusan,
at laging suportahan.
Oo, ginawa ng Diyos ang tao’t
buhay nila’y ginagabayan.
III
‘Di ‘to madaling ipinaliwanag
kung pa’no tinatangi’t pinahalagahan Niya ang tao.
Ito’y pinasibol ng Diyos sa pagsasagawa,
‘di ng pagyayabang ng tao.
Lahat ng bigay ng Diyos sa tao,
kung pa’no Siya gumagawa para sa kanila ay
nanggagaling sa Kanyang kabanalan.
Lahat ng sinasabi ng Diyos sa tao,
paghihikayat, pagpapaalala, pagpapayo’y
nanggagaling sa iisang diwa:
ang kabanalan ng Diyos.
Ginawa ng Diyos ang tao’t
buhay nila’y ginagabayan,
gamit ang mga salita Niya, katotohana’t buhay
upang laging alagaan at tustusan,
at laging suportahan.
Oo, ginawa ng Diyos ang tao’t
buhay nila’y ginagabayan.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV