132 Ang Pag-aatubili ng Paghihiwalay

1 Pagbabalik-tanaw sa panahong kasama natin ang Diyos: May mga masayang sigaw at tawanan, mga luha at sakit. Napakasaya ng ating mga araw sa piling ng Diyos. Nagbigay ang mga ito ng mga alaalang hinding hindi natin malilimutan. O Diyos! Sa napakaraming taon ng aming mga pagtitipon, Nagpahayag Ka ng mga katotohanan at nilinis ang aming katiwalian. Ngayong nauunawaan na namin ang katotohanan, nagbago kami at naging mga bagong tao. Ang pag-ibig Mo na sobrang dalisay ay malalim nang nakaugat sa aming mga puso. Ang mga salita Mo’y naging pananampalataya namin, pag-ibig namin. Malalim ang damdamin namin para sa Iyo. Hindi namin kayang mawalay sa Iyo. Ngunit ngayon malapit Mo na kaming iwan. Paanong hindi kami mag-aatubili? Paanong hindi kami mag-aatubili?

2 Namuhay Ka kasama namin araw at gabi. Bawat araw, ipinahayag Mo ang katotohanan upang diligan kami. Nagpakita kami ng napakaraming katiwalian at labis na nasaktan ang Iyong puso. Mapagparaya at mapagtiis, palagi Mo kaming ginagabayan. O Diyos! Tinanggap Mo ang gayong mga pasakit para iligtas kami. Nakita Mo kung gaanong wala pa sa gulang ang aming mga tayog, at nag-alala Ka’t nabalisa. Matiyaga Mong ibinahagi ang katotohanan, sumusuporta at tumutustos para sa amin. Kasama Ka namin habang nasa pagsubok at paghihirap. Ginagabayan at binibigyang-liwanag kami ng Iyong mga salita, itinulot Mo kaming tumayo nang matatag. Pawang sa pamamagitan ng Iyong biyaya, sumailalim kami sa paghatol at paglilinis. Dahil tinamasa namin ang napakaraming pag-ibig Mo, paanong hindi Ka namin iibigin? Ang pag-ibig Mo ang nag-uudyok sa amin; hinding hindi namin pagsisisihang ibigin Ka.

3 Sa pagtatapos ng gawain Mo, malapit Ka ng bumalik sa Sion. Talagang hindi namin kakayaning makita Kang umalis. Inaalala namin ang mga taong pinangunahan Mo kami sa bawat hakbang. Nakikinita namin ang mga eksena mula sa nakaraan. Hinatulan at nilinis Mo ang aming mga tiwaling disposisyon. Iniligtas Mo kami mula sa pag-uusig ng malaking pulang dragon. Ginabayan kami ng mga salita Mo at hinayaan kaming manindigan sa aming pagpapatotoo. Sa pamamagitan ng mga pagdurusa at pagsubok, lumago ang aming mga buhay. Napakadakila ng pag-ibig Mo, sobrang kaibig-ibig Ka. Karapat-dapat Kang purihin at sambahin ng tao. Ang biyaya ng kaligtasan Mo ay malalim na nakaukit sa puso ko. Pinagtibay ko ang pasya kong gampanan nang maayos ang tungkulin ko at magbigay ng maganda at matunog na patotoo. Mananatili magpakailanman sa puso ko ang pag-ibig Mo, palagi Kitang iibigin at itatangi.

Sinundan: 131 Pinagmamasdan ang Papawalang Pigura ng Diyos

Sumunod: 133 Balang Araw Dapat Magkita Tayong Muli

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito