131 Pinagmamasdan ang Papawalang Pigura ng Diyos

1 Habang pinagmamasdan ang Iyong papawalang pigura, napupuno ng emosyon ang aking puso. Mabilis na dumaan sa aking mga mata ang lahat ng mga kamangha-manghang sandali na kasama Ka. Kapiling Ka namin araw at gabi, ipinapahayag ang katotohanan at tinutustusan kami, itinatanim ang katotohanan at ang buhay sa parang ng aming mga puso. Sa maraming pagkakataon, mapagmatigas at mapanghimagsik kami, at mahigpit Mo kaming hinatulan, hinagupit, at dinisiplina; saka lamang, bilang ganti, nagsisi kami at nagbago. Maraming beses, nang mabigo at matumba kami, gumamit Ka ng mga salita upang aliwin at pasiglahin kami, binibigyan kami ng lakas at pananalig upang tumayong muli. Kapiling Ka namin sa mga pagsubok at panahon ng kagipitan, binabantayan kami sa bawat sandali. Ginabayan kami ng Iyong mga salita upang tumayong patotoo. Ginawa Mo ang lahat para sa amin, ginagawa ang Iyong makakaya upang magsabi ng mga pahayag para sa amin. masigla at nakakaengganyo ang Iyong mga salita, at sukdulang maunawain ang Iyong pag-ibig. Kaibig-ibig ang napakaraming tungkol sa Iyo, at hindi namin kakayanin na Ikaw ay umalis. Ang Iyong pag-ibig, ang Iyong presensya—namamalagi ang mga ito sa aking puso, at napakahirap kalimutan.

2 Habang pinagmamasdan ang Iyong papawalang pigura, napupuno ng pagsisisi ang aking puso. Hindi ko pinahalagahan kailanman ang oras na ginugol ko kasama Ka. Itinaas Mo ako upang gampanan ang aking tungkulin, ngunit hinangad ko ang katayuan at reputasyon. Pasalita, sinabi kong Ikaw ay mahal ko at tapat ako sa Iyo, ngunit sa kaibuturan ko inisip ko lamang ang aking mga inaasam-asam at kapalaran. Hindi ko ibinigay sa Iyo kailanman ang aking katapatan; sinuklian lamang Kita ng pag-uugaling walang sigasig at panlilinlang. Gahaman sa mga ginhawa ng laman, napalampas ko ang maraming pagkakataong magawang perpekto. At ngayon, paalis Ka na, at tinamaan ako ng pighati at pagkabahala. Kinamumuhian ko ang aking sarili sa pagiging napakamanhid, at sa huling-huli nang paggising. Desidido akong hanapin ang katotohanan at bumawi para sa dati kong pagkakautang. Pahahalagahan ko kung anong oras ang natitira, at ipapangako sa wakas ang aking katapatan. Kahit na magulo at makapal sa mga tinik ang landas pasulong, yayakapin ko ang mga paghihirap na ito, sumusunod sa Iyo nang walang hinaing ni pagsisisi. Matapat na gagampanan ko ang aking tungkulin, minamahal Ka at pinapatotohanan Ka. Ibibigay ko sa Iyo ang aking puso, sa isang pag-aalay ng aking dalisay na pagmamahal.

Sinundan: 130 Pagbibilang sa Biyaya ng Diyos

Sumunod: 132 Ang Pag-aatubili ng Paghihiwalay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito