115 Ang Katotohanan ng mga Salita ng Diyos ay Napakahalaga

1 Dumating na sa lupa ang Diyos at namumuhay kasama natin, nagpapahayag ng maraming katotohanan. Hindi ko na kailangan maghanap sa kalabuan, dahil mayroon akong mga salita ng Diyos na gagabay sa akin. Bawat araw, binabasa ko ang mga salita ng Diyos at namumuhay sa harap ng Diyos; binibigyang-liwanag at tinatanglawan ako ng Banal na Espiritu. Mas malinaw ko nang nauunawaan ang katotohanan, at ang aking buhay ay unti-unting lumalago. Inilalantad ng mga salita ng Diyos ang mga tunay na katotohanan ng katiwalian ng tao, at ako ay lubos na nakumbinsi. Sa pamamagitan ng paghatol ng mga salita ng Diyos at paghihirap sa mga pagsubok, ang mga tiwaling disposisyon ko ay nalilinis. Sa pagtamasa sa kayamanan ng mga salita ng Diyos, napakarami kong natamo. Habang nakikita ang pagiging matuwid at ang kabanalan ng disposisyon ng Diyos, ang aking puso ay napupuno ng pagkamangha at paggalang.

2 Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nauunawaan ko ang katotohanan at nalalampasan ang mga hadlang ng laman. Sa paghahanap sa katotohanan at pagsunod sa Diyos habang ginagampanan ang aking tungkulin, isinasabuhay ko ang pagkakatulad ng isang tapat na tao. Sa pag-aalis ng aking mga tiwaling disposisyon, nakikita ko na ang katotohanan ng mga salita ng Diyos ay napakahalaga. Sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, nakatatamo ako ng katotohanan at buhay, at wala nang maaaring hilingin pang iba ang aking puso. Dahil nakikita ko kung gaano kadakila at gaano katotoo ang pag-ibig ng Diyos, masaya kong ibinibigay ang aking totoong puso sa Diyos. Ano man ang mga problema at paghihirap na naghihintay, sumusunod ako nang may kataas-taasang pananampalataya. Dahil ako ay naghahangad na mahalin ang Diyos, at matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan, ang daan ay mas nagiging maliwanag. Sa pagsunod kay Cristo hanggang sa wakas, at pagiging matapat sa Diyos, sasalubungin ko ang Kanyang nakangiting pagpapakita.

Sinundan: 114 Ang Panalangin ng Bayan ng Diyos

Sumunod: 116 Ang mga Tapat na Tao Lamang ang Mayroong Pagkahawig sa Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito