116 Ang mga Tapat na Tao Lamang ang Mayroong Pagkahawig sa Tao

Minsan kong hinabol ang yaman at katanyagan.

Mga prinsipyo ko’y itinakwil;

nagsinungaling ako para kumita.

Aking budhi’y nawala, binale wala ang moralidad.

Integridad, dignidad, lahat ng mga ito

walang kahulugan sa akin.

Nabuhay ako upang pagbigyan ang aking lalong lumalaking

makamundong hilig: kasakiman at pagnanasa,

naglublob doon sa putik ng kasalanan

na may mabigat at balisa na puso.

‘Di ko matakasan ‘tong walang hanggang kadiliman.

Kayamanan ng lupa, panandaliang kasiyahan

hindi maitago kahungkagan sa loob.

Sabihin mo sa ‘kin kung bakit napakahirap

ang magkaroon ng integridad sa buhay?

Anong uri ng mundo ito kung saan ang tao ay tuso?

Sabihin mo kung sino ang makapagliligtas sa akin?

Narinig ko ang tinig ng Diyos, at nanumbalik ako sa Kanya.

Mga salita ng Diyos ng katotohanan nililinis aking katiwalian.

Salita ng Diyos ng paghatol, pagkastigo

aking mga kasama sa ‘king buhay.

Ang pagtanggap sa pagsusuri ng Diyos

dulot ay kapayapaan sa aking puso.

Wala nang panloloko o pandaraya ngayon,

at ako’y nabubuhay sa liwanag.

Matapat, may bukas na puso,

sa wakas isinasabuhay ko ang wangis ng tao.


Nakikinabang ako sa pagbabasa ng Kanyang salita,

binabasa ang salita ng Diyos araw-araw.

Naiintindihan ko ang napakaraming katotohanan,

mayroong tuntunin ng pag-uugali ng tao.

Dumaan ako sa mga pagsubok,

nakita ko ang Kanyang mukha.

Sa mga salita N’ya, bagong buhay aking natamo,

upang ako’y maging tapat na tao.

Narinig ko ang tinig ng Diyos, at nanumbalik ako sa Kanya.

Mga salita ng Diyos ng katotohanan nililinis aking katiwalian.

Salita ng Diyos ng paghatol, pagkastigo

aking mga kasama sa ‘king buhay.

Ang pagtanggap sa pagsusuri ng Diyos

dulot ay kapayapaan sa aking puso.

Wala nang panloloko o pandaraya ngayon,

at ako’y nabubuhay sa liwanag.

Matapat, may bukas na puso,

sa wakas isinasabuhay ko ang wangis ng tao.

Magpakailanman ako’y nagpapasalamat

sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos!

Magpakailanman ako’y nagpapasalamat

sa Makapangyarihang Diyos.

Sinundan: 115 Ang Katotohanan ng mga Salita ng Diyos ay Napakahalaga

Sumunod: 117 Ang Mga Taos-pusong Nagmamahal sa Diyos Lamang ang Matatapat na Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

660 Awit ng mga Mananagumpay

1 Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at nakatayo ito sa gitna ng sangkatauhan; walang...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito