248 Ang Taos-Pusong Pagmamahal ng Diyos

1 Maraming beses akong naging negatibo at tumangis dahil nawalan ako ng karangala’t katayuan. Maraming beses ibinunyag ng mga pagsubok na ang inaalala ko lang ay ang mga inaasam ko sa hinaharap at labis akong nalungkot. Maraming beses na naging matigas ang ulo ko’t mapaghimagsik, sa pagsisikap na hindi ako hatulan ng Diyos at hindi ako binagabag ng aking konsensya. Maraming beses akong nagpasiyang magsisi pero sinadya kong gumawa ng masama, at hinayaang lumaganap sa kalooban ko ang kasalanan. Diyos ko, inilalantad ng paghatol ng Iyong mga salita ang pangit kong kaluluwa, at malinaw kong nakikita ang katotohanan ng aking katiwalian at wala akong magpagtaguan sa hiya.

2 Natukoy ko na hindi na ako maliligtas, ngunit pinawi ng Iyong mga salita ang mga mali kong pagkaunawa. Maraming beses akong nahulog sa mga tukso ni Satanas, ngunit lihim Mo akong binantayan at pinangalagaan. Maraming beses kong kinimkim ang mga maling pagkaintindi at kinalaban Ka, ngunit lagi Kang nagpakita sa akin ng kaluwagan at pasensya. Hindi Mo kailanman naalala ang lahat ng pagkakataon na ako’y lumabag, at binigyan Mo ako ng pagkakataong magsisi. Diyos ko, napakahamak ko’t abang-aba, gayunma’y may malasakit Ka pa rin sa akin sa lahat ng oras. Paano ako magiging marapat na tawaging tao kung hindi ko pa rin masuklian ang pagmamahal Mo?

3 Sa pagdanas ng Iyong paghatol, mga pagsubok, pagsaway at pagdisiplina, nalaman ko rin sa wakas ang Iyong pagmamahal. Bagamat dinaranas ko ang matinding sakit ng pagpipino, nalilinis naman ang aking tiwaling disposisyon. Sa pagsasabuhay ng katotohanan, pagsunod sa Iyo at pamumuhay sa harap Mo, panatag at payapa ako. Ang pagkatakot sa Iyo, pagtanggi sa kasamaan, upang mabuhay sa Iyong mga salita ay kaligayahan. Diyos ko, ang Iyong paghatol ay pagmamahal at dahil dito’y nakamit ko ang Iyong dakilang pagliligtas. Naranasan ko ang Iyong tao-pusong pagmamahal, at nais kong mahalin Ka’t sundin magpakailanman.

Sinundan: 247 O Diyos, Ang Puso Ko ay Nabibilang Na sa Iyo

Sumunod: 249 Binigyan Ako ng Diyos ng Labis-labis na Pag-ibig

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito