940 Matuwid na Disposisyon ng Diyos ay Makatotohanan at Masigla
Matuwid na disposisyon ng Diyos
ay makatotohanan at masigla.
Binabago Niya’ng kaisipan at saloobin Niya
ayon sa pag-unlad ng mga bagay.
Ang pagbabago ng saloobin Niya
sa mga taga-Ninive’y
nagsasabing may sariling ideya ang Diyos.
I
Ang Diyos ay ‘di robot o rebulto,
kundi ang buhay na Diyos Mismo.
Maaari Siyang magalit sa mga tao ng Ninive,
o magpatawad sa nakaraan nila
dahil sa ugali nila.
Maa’ri Siyang magpasyang lipulin sila
o patawarin sila kung sila’y magsisi.
Kaisipan ng Diyos ay laging nagbabago
ayon sa pagbabago ng mga bagay-bagay.
Habang nagbabago’ng kaisipang ito,
ang iba’t ibang aspeto
ng diwa ng Diyos ay nabubunyag.
Sa sandaling magbago ang saloobin ng Diyos,
‘pinapakita Niya sa tao’ng
pag-iral ng buhay Niya.
Matuwid na disposisyon ng Diyos
ay makatotohanan at masigla.
II
Tunay na pagbubunyag ng Diyos
ay patunay sa tao
ng pag-iral ng Kanyang poot at awa,
mapagmahal na kabaitan at pagpaparaya Niya.
Binubunyag ng Diyos
ang mga parte ng diwa Niya
ayon sa pag-unlad ng mga bagay.
Ang Diyos ay may angking poot ng leon
at awa at pagpaparaya ng ina.
Matuwid na disposisyon Niya’y
‘di maaaring pagdudahan o labagin,
baluktutin o baguhin ng sinuman.
Matuwid na disposisyon ng Diyos,
‘yon ay, poot at awa ng Diyos
ay maipapakita sa anumang panahon o lugar
sa lahat ng bagay at usapin.
Makatotohanan Niyang ipinapahayag ito
sa mga sulok ng sangnilikha,
sa bawat sandaling lumilipas.
Matuwid na disposisyon ng Diyos
ay makatotohanan at masigla.
III
Matuwid na disposisyon Niya’y ‘di nalilimitahan
ng panahon o lugar,
sa halip ito’y ipinapahayag
nang malaya sa lahat ng panahon o lugar.
‘Pag may pagbabago sa saloobin ng Diyos
at humihinto sa pagpapakita ng poot Niya’t
tinutulutang mabuhay ang taga-Ninive,
masasabi mo ba na ang Diyos
ay mapagmahal at mahabagin lang?
At poot ng Diyos ay mga salitang walang-saysay?
‘Pag ang Diyos ay galit na galit,
at ‘pag binabawi Niya’ng awa,
masasabi mo bang
‘di Niya tunay na mahal ang tao?
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II