961 Ang Araw ng Kaparusahan ng Diyos sa Tao ay Nalalapit Na
I
Maraming nababalisa
sa kanilang malalaking kasalanan.
Maraming nahihiya
pagka’t wala pa silang nagawang mabuti.
Nguni’t maraming ‘di nahihiya,
sila’y lalong lumalala,
disposisyon ng Diyos sinusubok
sa kasamaang ‘pinapakita.
‘Di Niya papatawarin
ang masamang nasa tahanan Niya.
Dahil nalalapit na ang araw ng kaparusahan.
‘Di Siya nagmamadaling palayasin sila,
pagka’t Siya’y may sariling plano,
pagka’t Siya’y may sariling plano.
II
‘Di binibigyang-pansin ng Diyos
ang gawa ng isang tao.
Sa halip, tinutupad Niya
ang gawaing dapat gawin,
ayon sa Kanyang nais.
Gawain Niya’y nagpapatuloy,
‘di nahuhuli o napapaaga;
nagpapatuloy tulad ng plano Niya,
may kapwa alwan at bilis.
‘Di Niya papatawarin
ang masamang nasa tahanan Niya.
Dahil nalalapit na ang araw ng kaparusahan.
‘Di Siya nagmamadaling palayasin sila,
pagka’t Siya’y may sariling plano,
pagka’t Siya’y may sariling plano.
III
Sa bawa’t hakbang ng gawain Niya,
may ilang isinasantabi,
dahil namumuhi Siya
sa huwad nilang paglilingkod.
Tatalikdan ng Diyos
ang Kanyang kinasusuklaman,
nais na sila’y lumayo sa Kanya.
‘Di Niya papatawarin
ang masamang nasa tahanan Niya.
Dahil nalalapit na ang araw ng kaparusahan.
‘Di Siya nagmamadaling palayasin sila,
pagka’t Siya’y may sariling plano,
pagka’t Siya’y may sariling plano.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan