960 Paano Hindi Magkasala sa Disposisyon ng Diyos
Ⅰ
Nasa bawat pahayag ng Diyos
ang Kanyang disposisyon.
Kaya salita N’ya’y pagnilayang mabuti,
pakinabang n’yo’y talagang malaki.
At oo, Kanyang diwa’y mahirap unawain,
ngunit baka may ideya kayo
tungkol sa disposisyon ng Diyos.
Inaasam ng Diyos na ipapakita n’yo sa Kanya
at gagawin ang mga bagay
na ‘di magkakasala sa disposisyon N’ya.
Sa gayo’y mapapanatag Siya.
Ⅱ
Dapat kang matutong Diyos
ay isapuso, sa lahat ng oras.
Pag kumikilos ka, umayon sa Kanyang salita.
Hangarin ang layon N’ya sa lahat ng bagay.
Iwasang gumawa ng mga bagay
na lapastangan sa Kanya.
Wag mo S’yang isantabi upang mapunan
ang kahungkagan sa puso mo.
Sa paggawa nito, nasasaktan mo
ang disposisyon ng Diyos.
Inaasam ng Diyos na ipapakita n’yo sa Kanya
at gagawin ang mga bagay
na ‘di magkakasala sa disposisyon N’ya.
Sa gayo’y mapapanatag Siya.
Ⅲ
Kung ‘di ka nagsasalita ng kalapastanganan,
ni nagrereklamo laban sa Diyos sa ‘yong buhay,
isagawa nang wasto, lahat ng ipinapagawa N’ya sa’yo,
magpasakop sa Kanyang salita buong buhay mo,
sa gayo’y lubos mong maiiwasang
labagin mga administratibong kautusan.
Inaasam ng Diyos na ipapakita n’yo sa Kanya
at gagawin ang mga bagay
na ‘di magkakasala sa disposisyon N’ya.
Sa gayo’y mapapanatag Siya.
Nasa bawat pahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos