888 Ang Pag-ibig ng Diyos sa Sangkatauhan ay Walang Hangganan

‘Pag dinaranas gawain ng Diyos,

pagdurusa’y dapat danasin.

Nandito’ng mabuting intensyon Niya.

Dapat mong makita’ng nagawa Niya’y upang tao’y iligtas,

isinasakatawan ang pag-ibig Niya.

Tingnan niyo man ang lahat mula sa

karunungang nasa gawain ng Diyos,

mula sa hakbang at pamamaraan ng gawain Niya,

o mula sa tagal ng gawain,

o eksaktong pagsasaayos at plano Niya,

nilalaman nito’ng pag-ibig Niya.

Diyos ‘di nakikitungo nang walang pag-iingat.

Plano Niya’y tiyak; hakbang-hakbang itong ginagawa.

Ang kailan, saan, Kanyang tono,

paraan ng pananalita Niya,

pagsisikap na ‘binubuhos,

lahat ng ‘to ‘binubunyag pag-ibig Niya.

Pag-ibig ng Diyos sa tao’y walang hangganan.


Mahal ng magulang mga anak nila;

nilalagay dakilang pagsisikap,

nang sila’y makalakad sa tamang landas.

‘Pag kahinaan ng anak ay natagpuan,

nag-aalala kung sila’y marahan magsalita,

anak ‘di makikinig, ‘di magbabago.

Sila’y nag-aalala kung sila’y mabagsik magsalita,

masasaktan pagpapahalaga ng anak sa sarili.

Ipinag-aalala nila’ng mga anak

ay ‘di ito makakayanan lahat.

Ito’y ginagawa dahil sa pag-ibig;

kasabay nito ay malaking pagsisikap.

Diyos ‘di nakikitungo nang walang pag-iingat.

Plano Niya’y tiyak; hakbang-hakbang itong ginagawa.

Ang kailan, saan, Kanyang tono,

paraan ng pananalita Niya,

pagsisikap na ‘binubuhos,

lahat ng ‘to ‘binubunyag pag-ibig Niya.

Pag-ibig ng Diyos sa tao’y walang hangganan.


Kayo mismo ay mga anak,

kaya kayo’y maaaring nakaranas

ng pag-ibig ng inyong magulang.

Pag-ibig ay ‘di lang kaamuan,

ni konsiderasyon lamang;

higit pa, ito’y mahigpit na pagtutuwid.

Lahat ng ginagawa ng Diyos para sa tao

ay dahil sa pag-ibig para sa tao’t

patiunang kondisyon ng pag-ibig,

kaya’t ginagawa Niya’ng buong makakaya

upang dalhin sa mga tiwali

ang kaligtasan, kaligtasan, kaligtasan!

Diyos ‘di nakikitungo nang walang pag-iingat.

Plano Niya’y tiyak; hakbang-hakbang itong ginagawa.

Ang kailan, saan, Kanyang tono,

paraan ng pananalita Niya,

pagsisikap na ‘binubuhos,

lahat ng ‘to ‘binubunyag pag-ibig Niya.

Pag-ibig ng Diyos sa tao’y walang hangganan.


Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Alam Mo Ba ang Pag-ibig ng Diyos sa Sangkatauhan?

Sinundan: 887 Ang Diyos ay Tahimik na Nagbibigay sa Lahat

Sumunod: 889 Yamang Inililigtas ng Diyos ang Tao, Siya’y Lubos Niyang Ililigtas

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

85 Kasama Ka Hanggang Wakas

ⅠNagpapaanod ako’t nilalakbay ang mundo,pakiramdam ay wala sa sarili at sa loob ay walang-kakayanan.Ginising ng Iyong mga malalambing na...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger