50 Ang Pag-ibig ng Diyos ang Nagbubuklod Sa Atin
I
Pinaghiwalay man ng kabunduka’t karagatan,
iisa tayo, at walang hadlang,
iba’t iba man ang kulay ng balat,
iba’t iba man ang wika.
Dahil sa tawag ng salita ng Diyos,
nadala tayo sa trono ng Diyos.
Mayroong matatanda, puti na ang buhok,
at mga kabataan, matalino’t masigla.
Magkakahawak-kamay, magkakaakbay,
sinusuong natin hangi’t ulan,
nagpapalakasan sa kahirapan.
May iisang kaisipan, tungkulin nati’y tinutupad.
Puso natin magkaugnay,
tayo’y naging magkasangga sa buhay.
Pag-ibig at salita ng Diyos
pinaglalapit tayo sa isa’t isa.
II
Ang salita ng Diyos ang bukal ng buhay ng tubig.
Pinasaya nito, puso nati’y kaytamis.
Ang pagkastigo at paghatol ng Kanyang salita,
nililinis ang kasamaan natin.
‘Pag napungos lang tayo makakawangis ng tao.
Sa kahirapa’t kahinaan, tayo ay nagtutulungan.
Sa kahirapa’y magkakaramay.
Nagpapatotoo, talo natin si Satanas.
Kadilima’y tinatakasan, sa liwanag nabubuhay.
Tapat at masunurin,
tayo ang hayag na l’walhati ng Diyos.
Pagkamat’wid N’ya’t kagandaha’y alam natin.
Ating nararanasan
‘di-masukat na pagmamahal ng Diyos sa ‘tin.
Nakayakap sa dibdib ng Diyos,
buhay natin sa lupa’y gaya ng sa langit.
Sa Diyos lang may pag-ibig,
sa pag-ibig lang may pamilya.
Lahat ng nagmamahal sa Diyos ay isang pamilya.
Sa pag-ibig Niya nagkakalapit lahat.
Sa ating paglago kapiling natin salita N’ya.
Nabubuhay sa magandang kaharian,
sinasamba natin S’ya magpakailanman.
La la la … La la la … La la la …
La la la … La la la … La la la …
Sa Diyos lang may pag-ibig,
sa pag-ibig lang may pamilya.
Lahat ng nagmamahal sa Diyos ay isang pamilya.
Sa pag-ibig Niya nagkakalapit lahat.
Sa ating paglago kapiling natin salita N’ya.
Nabubuhay sa magandang kaharian,
sinasamba natin S’ya magpakailanman,
sinasamba natin S’ya magpakailanman,
sinasamba natin S’ya magpakailanman.