51 Nakagagalak ang Mamuhay sa Harap ng Diyos
Ⅰ
Magtipon sa iglesia at mag-awitan
magsayawan upang Diyos ay papurihan.
Siya’y naging tao at pumarito sa mundo,
nagpapahayag ng katotohanan para iligtas tayo.
Tinig ng Diyos dinig natin, tayo’y inaangat at napakasaya.
Sa harap ng luklukan, dumadalo tayo sa piging!
Sa harap ng luklukan, dumadalo tayo sa piging!
Salita ng Diyos ating tinatamasa.
Awita’t tawanan, walang-hanggang saya! Walang-hanggang saya!
Ⅱ
Mga kapatid nagkikita-kita,
malapit ang damdamin sa isa’t isa.
Di kayang ipahayag ang ating galak,
masayang magsama-sama.
Ibinabahagi salita ng Diyos.
Katotohana’y nauunawaan, espiritu’y nagagalak.
Walang ritwal, walang tuntunin—lahat ay malaya!
Walang ritwal, walang tuntunin—lahat ay malaya!
Salita ng Diyos ating tinatamasa.
Awita’t tawanan, walang-hanggang saya!
Ⅲ
Dumadalo tayo sa piging ng kasal ng Cordero,
buhay sa kaharia’y maganda.
Salita ng Diyos hinahatula’t nililinis tayo, tayo’y napanibago.
Tungkulin nati’y tinutupad, kalugdan N’ya’y sinisikap.
Puspos tayo ng kapayapaa’t galak.
Salita ng Diyos ating tinatamasa.
Awita’t tawanan, walang-hanggang saya! Walang-hanggang saya!
Ⅳ
Magsitayo tayong lahat at magkaisa
sa pagtupad sa tungkulin, tungkulin ng tao.
Dakilain Siya’t patotohanan, Kanya ang kal’walhatian.
Purihin natin Siya sa masayang awitan.
Mangag-awitan, atin Siyang papurihan!
Mangag-awitan, atin Siyang papurihan!
Salita ng Diyos ating tinatamasa.
Awita’t tawanan, walang-hanggang saya!
Salita ng Diyos ating tinatamasa.
Awita’t tawanan, walang-hanggang saya!
Walang-hanggang saya, walang-hanggang saya!