75 Ang Paghatol ng Salita ng Diyos ay Upang Iligtas ang Tao
I
Bagama’t maraming nasabi ang Diyos sa inyo
ng pagkastigo, paghatol,
‘di pa ito nagawa sa inyo,
oo, ‘di pa nga nagawa sa inyo.
Naparito ang Diyos
para sa gawain Niya’t para magsalita.
Mahigpit man Kanyang mga salita,
binibigkas ang mga ‘to sa paghatol
sa inyong katiwalian, pagsuway.
Ang layunin ng ganitong paggawa ng Diyos
ay ‘di upang maminsala sa tao,
kundi upang tao’y iligtas sa sakop ni Satanas.
Mahigpit ang mga salita ng Diyos
upang resulta’y makamit.
Sa ganitong paggawa lang
makikilala ng tao’ng sarili nila,
makakawala sa suwail nilang disposisyon.
Mahigpit man ang mga salita ng Diyos,
binibigkas ito para sa kaligtasan ng tao,
dahil nagsasalita lamang Siya,
‘di nagpaparusa ng laman.
Ito’y tumutulong sa taong mamuhay sa liwanag,
na malamang liwanag ay umiiral at mahalaga,
kapaki-pakinabang sa tao,
at malamang ang Diyos ay kaligtasan.
II
Ang gawain ng mga salita’y makabuluhan:
Malaman ng tao’t maisagawa ang katotohanan,
magkamit ng pagbabago sa disposisyon,
makilala’ng sarili’t gawain ng Diyos.
Sa paggawa gamit ang pagsasalita lamang
maitataguyod ang relasyon
sa pagitan ng Diyos at tao.
Salita lang ang makapagpapaliwanag
ng katotohanan.
Ito’ng pinakamainam na paraan
upang tao’y malupig.
Bukod sa pagsasalita,
wala nang mas makakapagpaunawa sa tao
sa lahat ng katotohana’t gawain ng Diyos.
Diyos ay nagsasalita sa huling yugto ng gawain
upang ibunyag mga katotohanan at misteryo,
makamit ng tao’ng tunay na daa’t buhay,
at palugdan ang kalooban ng Diyos.
Mahigpit man ang mga salita ng Diyos,
binibigkas ito para sa kaligtasan ng tao,
dahil nagsasalita lamang Siya,
‘di nagpaparusa ng laman.
Ito’y tumutulong sa taong mamuhay sa liwanag,
na malamang liwanag ay umiiral at mahalaga,
kapaki-pakinabang sa tao,
at malamang ang Diyos ay kaligtasan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao