73 Ibinubunyag ng Paghatol at Pagkastigo ang Pagliligtas ng Diyos
I
Hinahatulan, pinarurusaha’t kinakastigo
kayo ng Diyos ngayon,
nang makilala mo’ng sarili mo’t
malaman ang halaga mo,
nang baguhin mo’ng disposisyon mo,
at makita mong lahat ng kilos ng Diyos
ay ginagawa nang matuwid,
at ayon sa disposisyon Niya’t
kinakailangan sa gawain Niya.
Malalaman mong Siya’ng matuwid na Diyos
na mahal, kumakastigo’t humahatol sa tao,
gumagawa ayon sa plano Niya sa kaligtasan ng tao.
Diyos ay ‘di dumating
upang patayin o wasakin ang tao.
Diyos ay dumating upang humatol at sumumpa,
kumastigo’t magligtas.
II
Kung alam mo lang na nasa mababang katayuan ka,
tiwali at masuwayin,
ngunit ‘di alam na nais Niya’y gawing malinaw
ang pagliligtas Niya sa paghatol
at ang pagkastigo Niya sa’yo ngayon,
kung gayon ika’y ‘di makararanas o makasusulong
(o ‘di ka makasusulong).
Diyos ay ‘di dumating
upang patayin o wasakin ang tao.
Diyos ay dumating upang humatol at sumumpa,
kumastigo’t magligtas.
III
Hanggang matapos
ang anim-na-libong-taong plano Niya,
bago Niya ihayag
ang kalalabasan ng bawat uri ng tao,
gawain ng Diyos sa lupa’y para sa kaligtasan,
at gawing ganap yaong mahal Siya
at mapasakop sa ilalim ng kapamahalaan Niya.
Diyos ay ‘di dumating
upang patayin o wasakin ang tao.
Diyos ay dumating upang humatol at sumumpa,
kumastigo’t magligtas.
Diyos ay ‘di dumating
upang patayin o wasakin ang tao.
Diyos ay dumating upang humatol at sumumpa,
kumastigo’t magligtas.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao