464 Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya’t Pag-ibig ng Tao para sa Kanya
I
Umaasa ang Diyos na kapag iyong nauunawaan
ang tunay na bahagi Niya,
sa Kanya’y ikaw ay lalong mapapalapit;
tunay mong mapapahalagahan ang pag-ibig Niya
at malasakit Niya sa sangkatauhan;
puso mo’y ibibigay sa Kanya,
wala nang mga alinlangan
at wala nang mga hinala sa Kanya.
Palihim Niyang ginagawa ang lahat para sa tao.
Kanyang sinseridad, katapatan,
at pag-ibig ay lihim na ibinigay sa tao.
‘Di Siya nagsisisi sa Kanyang mga ginagawa;
ni may hinihintay na kapalit sa tao,
o may inaasahang anuman sa kanila.
Ang tanging layunin ng ginagawa Niya ay tunay
na pananampalataya at pag-ibig.
II
‘Pag tunay na alam ng puso mo
ang disposisyon ng Diyos
at may pagpapahalaga sa Kanyang diwa,
madarama mong nasa tabi mo ang Diyos,
madarama mong nasa tabi mo ang Diyos.
Ito ang totoo!
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I