462 Gustung-gusto ng Diyos ang mga Taong Kayang Isagawa ang Kanyang Kalooban
I
Habang walang humpay sa pagsulong
ang gawain ng Diyos,
matapos maisagawa’ng kasunduan
ng bahaghari sa tao,
tanda na ‘di na Niya kailanman
babahain ang mundo,
higit pang nais ng Diyos na makamit yaong
kayang maging kaisa ng Kanyang isipan.
Nais ng Diyos makamit yaong
nakakaunawa sa kalooban Niya,
alam ang disposisyon Niya’t sinasamba Siya.
Gan’tong grupo ng tao’ng
pinagkakatiwalaan Niya.
Gan’tong grupo ng tao’y
kayang magpatotoo sa Kanya.
II
Mas sabik ang Diyos sa yaong
kayang gawin ang kalooban Niya,
at yaong mga ‘di kayang magapos ni Satanas,
yaong makakawala sa mga puwersa ng kadiliman,
at yaong kayang magpatotoo sa Kanya.
Nais ng Diyos makamit yaong
nakakaunawa sa kalooban Niya,
alam ang disposisyon Niya’t sinasamba Siya.
Gan’tong grupo ng tao’ng
pinagkakatiwalaan Niya.
Gan’tong grupo ng tao’y
kayang magpatotoo sa Kanya.
III
Matagal nang nais at hinihintay ng Diyos
ang magkaro’n ng gan’tong mga tao.
Sa kabila ng Kanyang baha
at kasunduan sa tao,
simula pa no’ng paglikha,
mga nais ng Diyos ay ‘di nagbago,
at pati Kanyang kalooban,
Kanyang isip, at Kanyang plano.
Nais ng Diyos makamit yaong
nakakaunawa sa kalooban Niya,
alam ang disposisyon Niya’t sinasamba Siya.
Gan’tong grupo ng tao’ng
pinagkakatiwalaan Niya.
Gan’tong grupo ng tao’y
kayang magpatotoo sa Kanya.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II