910 Ang Awtoridad ng Diyos na Muling Buhayin ang Patay

1 Nang muling buhayin ng Panginoong Jesus si Lazaro mula sa kamatayan, ginamit lang Niya ang ilang salitang ito: “Lazaro, lumabas ka.” Wala na Siyang sinabi maliban dito. Kung gayon, ano ang ipinapakita ng mga salitang ito? Ipinapakita ng mga ito na magagawa ng Diyos ang anumang bagay sa pamamagitan ng pagsasalita, kabilang na ang muling pagbuhay sa isang taong patay. Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, nang nilikha Niya ang mundo, ginawa Niya iyon sa pamamagitan ng mga salita—sinalitang mga utos, mga salitang may awtoridad, at sa paraang ito ay nalikha ang lahat ng bagay, at sa gayon, ito ay natapos.

2 Ang ilang salitang ito na sinabi ng Panginoong Jesus ay kagaya ng mga salitang sinabi ng Diyos nang Kanyang likhain ang kalangitan at ang lupa at ang lahat ng bagay; sa parehong paraan, taglay ng mga ito ang awtoridad ng Diyos at ang kapangyarihan ng Lumikha. Ang lahat ng bagay ay inanyuan at nanindigan dahil sa mga salita mula sa bibig ng Diyos, at sa parehong paraan, naglakad si Lazaro palabas ng kanyang libingan dahil sa mga salita mula sa bibig ng Panginoong Jesus. Ito ang awtoridad ng Diyos, ipinakita at isinakatuparan sa Kanyang nagkatawang-taong laman. Ang ganitong uri ng awtoridad at kakayahan ay pag-aari ng Lumikha, at ng Anak ng tao na kung kanino naisakatuparan ang Lumikha. Ito ang pagkaunawa na itinuro ng Diyos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng muling pagbuhay kay Lazaro mula sa kamatayan.

3 Nang gumawa ang Panginoong Jesus ng mga bagay gaya ng pagbuhay muli kay Lazaro mula sa kamatayan, ang Kanyang layunin ay upang magbigay ng katunayan para sa mga tao at para makita ni Satanas, at upang ipaalam sa mga tao at kay Satanas na ang lahat ng tungkol sa sangkatauhan, ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay tinutukoy ng Diyos, at na bagaman Siya ay nagkatawang-tao, nananatili Siyang may kapangyarihan sa pisikal na mundo na nakikita at gayundin sa espirituwal na daigdig na hindi nakikita ng mga tao. Ito ay upang ipaalam sa mga tao at kay Satanas na ang lahat ng tungkol sa sangkatauhan ay hindi nasa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Ito ay isang paghahayag at isang pagpapakita ng awtoridad ng Diyos, at ito ay isa ring paraan para sa Diyos na makapaghatid ng mensahe sa lahat ng bagay, na ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos.

Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Sinundan: 909 Ang Awtoridad ng Diyos ay Tunay at Totoo

Sumunod: 911 Hindi Nagbabago ang Awtoridad ng Lumikha

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito