911 Hindi Nagbabago ang Awtoridad ng Lumikha
I
Bagama’t nagtataglay ang Diyos
ng dakilang awtoridad,
Siya’y mahigpit, may prinsipyo,
totoo sa Kanyang mga salita.
Ito’y nagpapakitang ang Lumikha’y ‘di nalalabag,
at Kanyang awtoridad ay hindi nalalampasan.
Kahit kapangyarihan Niya’y sukdulan
at lahat ay nasa pangangasiwa Niya,
kahit Siya’y namamahala sa lahat,
‘di Niya nasira kailanman Kanyang plano.
Kapag ginagamit Niya’ng kapangyarihan,
prinsipyo Niya’y nakahanay,
ang plano’t salita Niya’y
sinusunod Niya sa bawat hakbang.
Langit at lupa ma’y maaaring magbago,
ang awtoridad ng Diyos ay nananatili.
Lahat ng bagay maaaring lumipas,
‘di pa rin ito maglalaho.
Iyan ang tunay na diwa ng awtoridad ng Diyos.
Ito’y hindi nalalabag at hindi nagbabago.
II
Lahat ng pinamumunuan ng Diyos,
sumusunod sa mga tuntunin
kung saan ginagamit
ang kapangyarihan ng Diyos.
Kaya walang ‘di saklaw
mula sa mga plano ng Lumikha.
Walang anumang makakabago ng mga prinsipyo
kung saan naghahari ang Kanyang awtoridad.
Langit at lupa ma’y maaaring magbago,
ang awtoridad ng Diyos ay nananatili.
Lahat ng bagay maaaring lumipas,
‘di pa rin ito maglalaho.
Iyan ang tunay na diwa ng awtoridad ng Diyos.
Ito’y hindi nalalabag at hindi nagbabago.
III
Sa awtoridad ng Diyos,
maganda ang kapalaran ng pinagpala.
Iyan ang hatid ng Diyos.
Ang isinumpa’y napapahamak, pinarurusahan.
Sa awtoridad ng Diyos,
walang sinumang ‘di kasama o malaya,
ni makapagbabago ng mga batas
kung saan ito’y ginagamit.
Ang awtoridad ng Diyos
ay ‘di naiiba ng anumang pagbabago.
Mga tuntunin sa paggamit nito,
walang anumang makapagbabago.
Langit at lupa ma’y maaaring magbago,
ang awtoridad ng Diyos ay nananatili.
Lahat ng bagay maaaring lumipas,
‘di pa rin ito maglalaho.
Iyan ang tunay na diwa ng awtoridad ng Diyos.
Ito’y hindi nalalabag at hindi nagbabago.
Ganyan katangi-tangi ang Lumikha.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I