908 Awtoridad ng Diyos, Nasa Lahat ng Dako
Ⅰ
Awtoridad ng Diyos, nasa lahat ng sitwasyon.
Siya ang nasusunod sa kapalaran ng tao,
lahat ng bagay sa Kanyang isipa’t nais naaayon,
di magbabago dahil sa pagbabago ng tao.
Hiwalay ito sa kalooban ng tao.
Di mababago ng anumang pagbabago
sa panahon o kalawakan, o heograpiya.
Dahil awtoridad ng Diyos ay Kanya mismong diwa.
Diyos lang ang may awtoridad na gayon,
at ‘di ‘yon maaaring lagyan ng limitasyon ng kahit sino,
o kahit saan, ng kahit ano o sa’n mang puwang.
Awtoridad ng Diyos, nasa lahat ng dako,
bawat oras, at bawat saglit.
Mawala man ang langit at lupa,
awtoridad ng Diyos, ‘di mawawala.
Ⅱ
Matanggap man ng tao kapangyarihan ng Diyos,
di nito mababago kapangyarihan Niya sa tadhana ng tao.
Tuntunin ng Diyos, alam mo man,
di mawawala Kanyang kapangyarihan.
Sumuway ka man, Siya
ang mayhawak sa ‘yong kapalaran.
Awtoridad ng Diyos sa tadhana ng tao
ay hiwalay sa kalooban ng tao.
Di ito nagbabago ayon sa kagustuhan nila,
ni magbabago dahil sa pagpapasiya nila.
Diyos lang ang may awtoridad na gayon,
at ‘di ‘yon maaaring lagyan ng limitasyon ng kahit sino,
o kahit saan, ng kahit ano o sa’n mang puwang.
Awtoridad ng Diyos, nasa lahat ng dako,
bawat oras, at bawat saglit.
Mawala man ang langit at lupa,
awtoridad ng Diyos, ‘di mawawala.
Ⅲ
Laging ginagamit ng Diyos ang awtoridad Niya,
patuloy na gumagawa, kapangyariha’y ipinapakita.
Lahat pinamamahalaa’t inilalaan ng Diyos,
at sa lahat ng oras ay isinasaayos.
Ito’y totoo, walang makakapagbago;
noon pa ma’y ganito na ‘to.
Diyos lang ang may awtoridad na gayon,
at ‘di ‘yon maaaring lagyan ng limitasyon ng kahit sino,
o kahit saan, ng kahit ano o sa’n mang puwang.
Awtoridad ng Diyos, nasa lahat ng dako,
bawat oras, at bawat saglit.
Mawala man ang langit at lupa,
awtoridad ng Diyos, ‘di mawawala.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III