907 Ang Tunay na Pagpapamalas ng Awtoridad ng Lumikha
Ⅰ
Ang kapalaran ng tao at ng sansinukob ay mahigpit
na nakaugnay sa kapangyarihan ng Manlilikha.
Ito’y ‘di mahihiwalay sa Kanyang awtoridad
at lahat ng inaayos Niya.
At sa mga batas ng lahat ng bagay,
mauunawaan ng tao ang kapangyarihan
ng pamumuno Niya,
pagsasaayos ng kamay Niya,
sa lahat ng pinamumunuan at isinasaayos Niya.
Sa batas ng kaligtasan, sa kapalaran ng lahat ng bagay,
alam ng tao kung paano mamuno ang Diyos sa lahat.
Kapangyarihan Niya ang nangingibabaw.
Walang nilikhang makalalabag sa pamumuno ng Diyos.
Walang puwersang magpapabago sa itinadhana ng Diyos.
Sa batas Niya nabubuhay
at nagpaparami ang buhay sa bawat panahon.
Ito ang katotohanan, ito’ng katotohanan ng,
ito ang katotohanan ng Kanyang awtoridad.
Ⅱ
At sa siklo ng buhay at kamatayan ng lahat,
tunay na nakikita ng tao ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos
at kung paano nito nilalampasan lahat ng batas ng lupa,
at tunay na daig nito lahat ng iba pang puwersa.
Sa batas ng kaligtasan, sa kapalaran ng lahat ng bagay,
alam ng tao kung paano mamuno ang Diyos sa lahat.
Kapangyarihan Niya ang nangingibabaw.
Walang nilikhang makalalabag sa pamumuno ng Diyos.
Walang puwersang magpapabago sa itinadhana ng Diyos.
Sa batas Niya nabubuhay at nagpaparami
ang buhay sa bawat panahon.
Ito ang katotohanan, ito’ng katotohanan ng,
ito ang katotohanan ng Kanyang awtoridad.
Sa batas ng kaligtasan, sa kapalaran ng lahat ng bagay,
alam ng tao kung paano mamuno ang Diyos sa lahat.
Kapangyarihan Niya ang nangingibabaw.
Walang nilikhang makalalabag sa pamumuno ng Diyos.
Walang puwersang magpapabago sa itinadhana ng Diyos.
Sa batas Niya nabubuhay at nagpaparami
ang buhay sa bawat panahon.
Ito ang katotohanan, ito’ng katotohanan ng,
ito ang katotohanan ng Kanyang awtoridad.
Ⅲ
Nakikita man ng tao, sa aktuwal na batas,
pamumuno’t ordinasyon ng Diyos sa lahat,
ilan ang nakauunawa sa Kanyang
pamamahala sa sansinukob?
Ilan ang makaaalam at tatalima
sa Kanyang pagkontrol ng kanilang kapalaran?
Sino’ng makauunawa na kapalaran ng
tao’y nasa Kanyang kamay?
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III