834 Pineperpekto ng Diyos Yaong Tunay na Nagmamahal sa Kanya
I
Nais matamo ng Diyos ang grupo ng taong,
nagsisikap na makipagtulungan sa Kanya,
yaong sumusunod sa gawain Niya’t
‘sinasagawa’ng mga kailangan Niya.
Sila’y may tunay na pag-unawa sa puso,
nagagawang tumahak sa landas ng pagkaperpekto.
Ito’y bagay na ‘di maiiwasan,
‘pagkat sila yaong magagawang perpekto.
Kung hangad mo’t pinahahalagahan
ang mga salita ng Diyos,
Siya’y gagawa sa’yo.
‘Pag mas pinahahalagahan mo’ng mga salita Niya,
mas gumagawa’ng Espiritu Niya sa’yo,
at mas malaki’ng pag-asang
maging perpekto ng Diyos.
Pineperpekto yaong mahal Siya,
yaong may pusong payapa sa harapan Niya.
II
Yaong mga ‘di kayang gawing perpekto’y
yaong ‘di malinaw na alam ang gawain ng Diyos,
‘di kumakai’t umiinom ng salita Niya
at bigo sa pagpansin sa mga ito,
at walang pagmamahal para sa Diyos.
Yaong nagdududa’t nililinlang
ang nagkatawang-taong Diyos,
walang ingat sa salita Niya, lumalaban sila;
sila’y kay Satanas at ‘di kayang maperpekto.
Kung hangad mo’t pinahahalagahan
ang mga salita ng Diyos,
Siya’y gagawa sa’yo.
‘Pag mas pinahahalagahan mo’ng mga salita Niya,
mas gumagawa’ng Espiritu Niya sa’yo,
at mas malaki’ng pag-asang
maging perpekto ng Diyos.
Pineperpekto yaong mahal Siya,
yaong may pusong payapa sa harapan Niya.
III
Ang pahalagahan ang gawain
at kaliwanagan ng Diyos,
presensya, malasakit at Kanyang pangangalaga,
kung pa’no mga salita Niya’y nagiging realidad mo,
kung pa’no mga ‘to’y natutustusan ang buhay mo—
ito’y pinakamainam na naaayon sa puso Niya.
Wala nang mas importante sa mga naniniwala
kaysa tumanggap ng gawain Niya’t
pagkaperpekto’y makamtan,
at maging yaong gumagawa sa kalooban Niya.
Ito ang mithiing dapat hangarin niyong lahat.
Kung hangad mo’t pinahahalagahan
ang mga salita ng Diyos,
Siya’y gagawa sa’yo.
‘Pag mas pinahahalagahan mo’ng mga salita Niya,
mas gumagawa’ng Espiritu Niya sa’yo,
at mas malaki’ng pag-asang
maging perpekto ng Diyos.
Pineperpekto yaong mahal Siya,
yaong may pusong payapa sa harapan Niya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pineperpekto ng Diyos Yaong mga Kaayon ng Kanyang Puso