833 Mga Kailangang Tugunan ng Isang Tao para Maperpekto
Ⅰ
Kung talagang handa kang maperpekto ng Diyos,
lakas-loob mong iwawaksi ang iyong laman,
isasagawa mo’ng salita Niya,
‘di magiging mahina o balintiyak,
susundin lahat ng nagmumula sa Kanya.
Ginagawa mong lihim o hayag
ay magiging maganda sa paningin ng Diyos.
Ang kailangan ng lahat para maperpekto ng Diyos
ay gawin ang lahat nang may pagmamahal sa Kanya.
‘Pag tama ang ‘yong mga layon, tama ka man o mali,
lahat ng kilos mo’y maihaharap sa Kanya.
‘Di ka takot na makita Niya iyon o ng mga kapatid,
at nangangahas kang sumumpa sa Diyos.
Ⅱ
Kung katotohana’y ‘sinasabuhay mo,
ika’y mape-perpekto.
Doble-karang mga tao’y ayaw maperpekto.
Anak sila ng kapahamakan,
kay Satanas, ‘di sa Diyos, ‘di sila hinirang!
Kung tanggap mo’ng Kanyang paghatol,
baguhin ang disposisyon mo,
at ika’y gagawing perpekto ng Diyos.
Ang kailangan ng lahat para maperpekto ng Diyos
ay gawin ang lahat nang may pagmamahal sa Kanya.
‘Pag tama ang ‘yong mga layon, tama ka man o mali,
lahat ng kilos mo’y maihaharap sa Kanya.
‘Di ka takot na makita Niya iyon o ng mga kapatid,
at nangangahas kang sumumpa sa Diyos.
Ⅲ
Kung talagang handa kang maperpekto ng Diyos
at gawin kalooban Niya, kung gayo’y sundin gawain Niya,
‘wag magreklamo o husgahan gawain Niya.
Ito ang kailangan para maperpekto ng Diyos.
Ang kailangan ng lahat para maperpekto ng Diyos
ay gawin ang lahat nang may pagmamahal sa Kanya.
‘Pag tama ang ‘yong mga layon, tama ka man o mali,
lahat ng kilos mo’y maihaharap sa Kanya.
‘Di ka takot na makita Niya iyon o ng mga kapatid,
at nangangahas kang sumumpa sa Diyos. Diyos ko!
Bawa’t layon, kaisipan at ideya
dapat ay akma upang masuri sa presensya ng Diyos.
Kung mamumuhay at papasok kang ganito,
bibilis pagsulong mo sa buhay,
bibilis pagsulong mo sa buhay.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos