865 Nagdadalamhati ang Diyos Dahil sa Kasamaan at Katiwalian ng Sangkatauhan

I

‘Pag nagkakatawang-tao ang Diyos,

pamumuhay Niya’y karaniwan,

kapiling ang mga tao sa sangkatauhan.

Pamumuhay, alituntuni’t pamamaraan nila

ay batay sa lohika ni Satanas,

sa pilosopiya at kaalaman nito.

Kita ng Diyos na ang taong

nabubuhay sa mga alituntuning ito’y

walang pagkatao o katotohanan—

sinasalungat ang katotohanan

at lumalaban sa Diyos.


Ang diwa ng Diyos ay eksaktong kabaligtaran

ng lohika ni Satanas, karunungan, pilosopiya.

Ito’y puno ng katuwiran, kabanala’t katotohanan,

at ibang realidad ng mga positibong bagay.


Ang Diyos, na may gan’tong diwa,

at nabubuhay kasama ng tao,

ano’ng nadarama Niya sa puso Niya?

‘Di ba ito puno ng kirot?

Mapupuno ng kirot na walang kayang makaunawa

at makaranas.

Puso Niya’y nasasaktan.


Ang diwa ng Diyos ay ‘di katulad

ng diwa ng tiwaling tao,

kaya’t ang katiwalian nila

ay pinagmumulan ng pagdurusa ng Diyos,

pagdurusa ng Diyos.


II

Lahat ng kinakaharap, naririnig, nakikita’t

nararanasan ng Diyos

ay bahagi ng katiwalian ng tao,

kasamaa’t paghihimagsik

laban sa katotohanan at paglaban dito.

Lahat ng nanggagaling sa mga tao,

na natatanggap ng Diyos,

‘yan ang pinagmumulan ng pagdurusa ng Diyos.


‘Pag nagkakatawang-tao ang Diyos,

walang makitang sinumang

kayang makipagtalastasan

o makipag-usap sa Diyos.

Bagay-bagay na tinatalakay,

iniibig at hangad ng tao

ay may kinalaman sa kasalanan

at masasamang kalakaran.


‘Pag kinakaharap Niya ito,

parang patalim sa puso Niya.

Kaya’t pa’no Siya liligaya?

May kaaliwan ba Siyang masusumpungan?

Pa’nong ‘di Siya magdurusa

‘pag yaong namumuhay kasama Niya’y mga taong

puno ng paghihimagsik at kasamaan?


Ang diwa ng Diyos ay ‘di katulad

ng diwa ng tiwaling tao,

kaya’t ang katiwalian nila

ay pinagmumulan ng pagdurusa ng Diyos,

pagdurusa ng Diyos, pagdurusa ng Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Sinundan: 864 Ano ang Matinding Pasakit na Pinagdurusahan ng Diyos?

Sumunod: 866 Ang Kahulugan ng Pagpapakita ni Jesus Matapos ang Kanyang Muling Pagkabuhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito