866 Ang Kahulugan ng Pagpapakita ni Jesus Matapos ang Kanyang Muling Pagkabuhay
I
Ninais ng Diyos na tao’y mapalapit sa Kanya,
na maging pamilya Niya, at hindi Siya iwasan.
Kaya matapos ang muling pagkabuhay Niya,
si Jesus ay nagpakita sa katawang-tao’t
kumai’t uminom kasama’ng tao.
Tinuturing ng Diyos ang tao bilang pamilya,
nais Niyang makita Siya bilang
ang Siyang pinakamamahal nila.
Sa ganitong paraan tao’y makakamit ng Diyos,
at tao’y magagawang ibigi’t sambahin ang Diyos.
Pinag-isipang mabuti ang sinabi ni Jesus
at ginawa matapos mabuhay na mag-uli.
Ito’y puno ng pag-ibig Niya
sa tao’t pagmamalasakit sa
malalim Niyang relasyon sa tao
nung Siya’y nasa katawang-tao.
Ito’y puno ng pangungulila Niya sa mga araw na
namumuhay kasama’ng
mga tagasunod Niya sa panahong
Siya’y nasa katawang-tao.
II
‘Di nais ng Diyos na makadama’ng tao
ng distansya mula sa Kanya,
ni ninais Niyang tao’y lumayo sa Kanya.
Ni madama ng tao na si Jesus
matapos mabuhay na mag-uli
ay ‘di na ang Panginoong minsang
naging malapit sa Kanyang mga tao,
o na si Jesus ay nagbalik sa Ama
na ‘di nila kailanman makikita o maaabot,
‘di nais na tao’y madama’ng
katayuan nila’y magkaiba.
‘Pag nakikita ng Diyos
ang mga taong nais sumunod
ngunit nananatiling malayo sa Kanya,
Siya’y nasasaktan dahil mga puso nila’y malayo
at magiging mahirap makamtan.
Pinadama ni Jesus sa tao
na Panginoo’y ‘di nagbago.
Kahit ipinako sa krus, nabuhay Siyang mag-uli,
Siya’y ‘di kailanman lumayo sa tao.
Siya’y nagbalik sa mga tao.
Walang nagbago sa Kanya.
Hinayaan Niya’ng tao’y mapalapit, mapanatag,
at muli Siyang makamit.
Sila’y umasa’t tumingala sa Kanya
nang may kapanatagan,
Anak ng tao na kayang magpatawad
sa kasalanan nila.
Sila’y nanalangin kay Jesus,
upang makuha’ng pagpapala’t biyaya Niya,
ang kapayapaa’t kagalakan Niya,
at makamit ang pag-iingat Niya.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III