864 Ano ang Matinding Pasakit na Pinagdurusahan ng Diyos?

I

May nagsisimpatiya sa lagay ni Cristo

dahil may talata sa Biblia’ng nagsasabing:

“Ang soro’y may lungga’t, ang ibo’y may pugad;

ngunit ang Anak ng tao’y walang mahihigaan.”


Isinasapuso nila ‘to’t naniniwalang

ito’ng pinakamalaking

pagdurusa ng Diyos, ni Cristo.

Ang katunayan, ‘di naniniwala ang Diyos

na kahirapang ito’y pagdurusang tinitiis Niya.


Kailanma’y ‘di Siya dumaing

sa kawalan ng katarungan

dahil sa Kanyang paghihirap sa katawan;

kailanma’y ‘di Siya humingi ng bayad

o gantimpala sa tao. Nguni’t,


‘Pag nakikita ng Diyos ang kasamaan ng tao

at ang tiwaling pamumuhay nila,

at na ‘di sila makatakas sa hawak ni Satanas,

namumuhay sa kasalana’t

‘di alam ang katotohanan,

araw-araw nadaragdagan

pagkasuklam Niya sa tao’t

‘di matiis ang mga kasalanan nila,

nguni’t dapat pa rin Niyang tiisin ang lahat ng ito.

Ito ang matinding pagdurusa ng Diyos.


II

‘Di ganap na maihayag ng Diyos

sa mga tagasunod ang puso Niya,

at wala sa kanila ang nakakaintindi ng pasakit Niya.

Ni walang sumusubok umunawa

o umaliw sa Kanyang pusong

nagdurusa taon-taon at araw-araw.


‘Di nais ng Diyos na bayaran Siya

sa lahat ng binigay Niya,

nguni’t ang diwa Niya’y ‘di magtitiis ng kasalanan.

Nasusuklam Siya sa kasamaan nila’t katiwalian,

kaya walang wakas ang Kanyang pagdurusa.


Mayro’on ba sa inyong nakakita nito?

Malamang wala sa inyong nakakakita,

dahil wala sa inyo’ng

talagang nakakaunawa sa Diyos.


‘Pag nakikita ng Diyos ang kasamaan ng tao

at ang tiwaling pamumuhay nila,

at na ‘di sila makatakas sa hawak ni Satanas,

namumuhay sa kasalana’t

‘di alam ang katotohanan,

araw-araw nadaragdagan

pagkasuklam Niya sa tao’t

‘di matiis ang mga kasalanan nila,

nguni’t dapat pa rin Niyang tiisin ang lahat ng ito.

Ito ang matinding pagdurusa ng Diyos.

‘Pag nakikita ng Diyos ang kasamaan ng tao

at ang tiwaling pamumuhay nila,

at na ‘di sila makatakas sa hawak ni Satanas,

namumuhay sa kasalana’t

‘di alam ang katotohanan,

araw-araw nadaragdagan

pagkasuklam Niya sa tao’t

‘di matiis ang mga kasalanan nila,

nguni’t dapat pa rin Niyang tiisin ang lahat ng ito.

Ito ang matinding pagdurusa ng Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Sinundan: 863 Matagal Nang Namuhay ang Diyos na Nagkatawang-tao sa Piling ng mga Tao

Sumunod: 865 Nagdadalamhati ang Diyos Dahil sa Kasamaan at Katiwalian ng Sangkatauhan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito