Tanong 3: Iniisip ng ilang kapatid natin na ginamit ng ating Diyos si Brother Lin. Marami siyang sinulat na espiritwal na libro at ibinahaging mensahe sa’min. Ang salita niya ang pagkain at daan ng buhay natin, at ito’y may pagliliwanag ng Banal na Espiritu tulad ng sulat ng mga apostol sa Biblia. Malaki nga ang pakinabang nito. Naaayon ’to sa katotohanan. Pero sinabi niyong, ang salita ng ginagamit Niya na naaayon sa katotohanan, ay hindi totoo, Kung gayon, ano ba talaga ang katotohanan?
Sagot: Salamat sa Diyos. Isa nga itong magandang tanong! Ito nga ang una nating dapat maunawaan patungkol sa Panginoon. Kung gusto nating malaman kung bakit ang mga ginagamit ng Diyos ay hindi katotohanan, dapat maging malinaw muna sa’tin ang “katotohanan”. Sa buong kasaysayan, walang sinumang nakaalam kung ano nga ba ang katotohanan. Nang Siya’y dumating sa Panahon ng Biyaya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6). Wala pa ring nakaunawa sa tunay na kahulugan ng “katotohanan.” Nang dumating lang si Cristo, ang Makapangyarihang Diyos—nabunyag sa lahat ang mga misteryo ng “katotohanan”. Tingnan natin ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol dito.
“Ang katotohanan ay nagmumula sa mundo ng tao, subalit ang katotohanang nasa tao ay ipinapasa ni Cristo. Ito ay nagmumula kay Cristo, ibig sabihin, mula sa Diyos Mismo, at hindi ito isang bagay na kaya ng tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao).
“Ang katotohanan ang pinakatunay na talinghaga ng buhay, at ang pinakamataas sa gayong mga talinghaga sa buong sangkatauhan. Sapagkat hinihiling ito ng Diyos sa tao, at ito ang gawaing personal na ginagampanan ng Diyos, kaya’t tinatawag itong ‘talinghaga ng buhay’. Hindi ito isang talinghagang binuo mula sa kung anong bagay, o hindi rin ito isang tanyag na banggit mula sa isang dakilang tao. Sa halip, ito ang binibigkas sa sangkatauhan mula sa Panginoon ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay; hindi ito ilang salita na nilagom ng tao, kundi ang likas na buhay ng Diyos. Kaya nga ito ang tinatawag na ‘pinakamataas sa lahat ng talinghaga ng buhay’” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos).
“Sa wika ng tao, ang katotohanan ang tunay na diwa ng sangkatauhan. Hindi kailanman magagawang ganap na maranasan ng tao ang katotohanan. Dapat mabuhay sa katotohanan ang tao. Mapapanatiling buhay ng isang katotohanan ang sangkatauhan sa loob ng libu-libong taon.
“Ang katotohanan ay ang buhay ng Diyos Mismo, kumakatawan ito sa Kanyang disposisyon, Kanyang diwa, at lahat-lahat na nasa Kanya” (“Alam Mo Ba Kung Ano Talaga ang Katotohanan?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).
Makikita natin mula sa mga salita Niya: Sa Diyos galing ang katotohanan, at sa pagpapahayag ni Cristo. Ibig sabihin, lahat ng mga salitang sinabi ng Diyos ay katotohanan. Dahil ang katotohanan ay ang diwa ng buhay ng ating Diyos, Ang disposisyon Niya, at anong mayroon Siya, at ang katotohanan ng mga positibong bagay. Ito’y walang hanggan at hindi nga magbabago. Ang mga salita ng Diyos ay may awtoridad at kapangyarihan din. Talagang kaya nitong padalisayin, iligtas ang tao, at maging buhay na walang hanggan ng tao. Kaya nga, ang mga salitang ipinahayag ng Diyos ay katotohanan. Ang gawain at paghahayag Niya, at kung ano ang itinakda Niya ay katotohanan. Ang iniatas ng Diyos at itinatakda para sa tao, lahat ng hinihiling Niya sa tao at inuutos na ipamuhay ay katotohanan, ang katotohanan ng lahat ng positibong bagay. At sa gayon, may katotohanang matatagpuan sa bawat salitang winiwika ng Diyos. Nagpahayag Siya ng maraming katotohanan, sa bawat yugto ng gawain Niya. Ang mahalagang buhay na ipinagkaloob Niya sa’tin ay nasa loob ng mga katotohanan.
Katotohanan lahat ng inihahayag Niya sa gawain ng Kanyang dalawang pagkatawang-tao. Gaya ng mga salita Niya na makikita sa Panahon ng Biyaya: Pinayagan tayo nitong makita ang Kanyang disposisyon, pag-ibig, at banal na sangkap. Ito ang mga katotohanang tumutulong sa’tin na makilala ang Diyos. Ang pagmamahal, pagpaparaya awa at pagpapatawad sa tao ng Panginoong Jesus, at ang paghiling Niya sa taong mahalin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa’t isipan, na mahalin ang kapwa upang maging ilaw at asin ng mundo, ito’y mga positibong bagay at katotohanan. Katotohanan din ito na dapat nating taglayin. Ang Cristo ng mga huling araw-Ang Makapangyarihang Diyos ay dumating na; at ipinahahayag Niya ang paghatol, pagdalisay at pagperpekto. Ang lahat ng ito’y realidad ng buhay na dapat nating matamo sa Panahon ng Kaharian. Ibinubunyag sa’tin ni Cristo ang disposisyon ng Diyos na katuwiran, pagkamaharlika, poot, at kawalan ng pagpaparaya sa kasalanan. Maging ang mga misteryo ng plano sa pamamahala ng Diyos upang magligtas, ang tatlong yugto ng gawain Niya, ang sangkap at katotohanan sa loob ng yugto ng gawain Niya, at ang pagkakatawang-tao Niya, kung pa’no Niya ginagawa ang gawaing ito ng paghatol, at kung ano ang kaharian ni Cristo. Ipinakikita niya kung pa’no binubunyag ng Diyos ang kapalaran ng bawat tao. Ibinubunyag Niya ang katuwiran ng Diyos, maging ang Kanyang kabanalan at ang disposisyon Niya, at ang Kanyang kasiyahan, galit at kalungkutan. Ibinubunyag Niya kung ano ang matuwid at masama, kung ano ang positibo at ano ang negatibo, at ang diwa at patunay ng pagsira ni Satanas sa lahat ng tao. Ipinapakita Niya kung pa’no Siya igagalang at lalayo sa masama, kung ano nga ang tunay na buhay at kung paano mabuhay nang may kabuluhan, at iba pa. Ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng misteryong ito para maunawaan Siya, galangin at talikuran na rin ang masama, para sumunod at sambahin Siya. Ang katotohanan ng Makapangyarihang Diyos ang daan ng walang hanggang buhay na dapat nating taglayin. Ang mga yumayakap sa lahat ng katotohanan ng Diyos at ito’y isinasabuhay ay magkakaro’n ng buhay na walang hanggan. Samantalang ang mga tumatangging tanggapin ang alinman sa katotohanan ay tiyak na mapapahamak. Kaya, ang mga katotohanang inihahayag Niya sa mga huling araw ay ang gawain ng Diyos sa pagtatapos ng isang panahon at pagsisimula ng isang bago. Ang mga ginagamit ng Diyos ay ang nililigtas at ginagawang perpekto. Ang kanilang tungkulin sa gawain ng Diyos ay makipagtulungan sa gawaing ito at pamunuan ang mga napili Niyang tao. Sa gayon, anumang mga salitang sinasabi nila alinsunod sa katotohanan ang mga bunga ng gawain ng Banal na Espiritu. Kahit na kapaki-pakinabang sa’tin ito, hindi pa rin ’to katotohanan at ’di rin masasabing salita Niya dahil ito’y nagmula lang sa kaalaman at karanasan nila rito, at kaya lang katawanin ang pananaw ng tao, at marurumihan ng mga tao. Bukod dito, limitado ang kaalaman at karanasan ng tao tungkol sa katotohanan. Ga’no man siya pumasok sa realidad nito, ’di pa rin masasabing sinasagisag niya ang sangkap nito, o kaya’y isinasabuhay niya nang buo ang katotohanan. Kaya kahit na ipinahayag niya ang ilang mga katotohanang isinabuhay niya, ang mga salita niya’y ayon lang sa katotohanan. ’Di sila maaaring ipantay sa parehong antas. Ang mga salita lang ng nagkatawang-taong Diyos ang katotohanan. Na ibig sabihin, Ang Diyos lang ang may sangkap ng katotohanan, at Siya lang ang katotohanan. Maraming taon man tayong naniniwala, lagi tayong magiging sanggol sa harapan ng Diyos. Hindi natin kailanman maisasabuhay ang imahe Niya. Sa gayon, ang mga salita ng taong ginagamit Niya o ang may gawain ng Banal na Espiritu ay naaayon sa katotohanan lang. Hindi ’to pwedeng maging katotohanan. Isang di maikakailang katotohanan ito. Pag tinawag nating katotohanan ang salita ng tao, sinasalungat natin ang Diyos at nilalapastangan din Siya! Tingnan natin ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang mga salitang binibigyang-liwanag ng Banal na Espiritu ay hindi kumakatawan sa mga salita ng Diyos, hindi kumakatawan ang mga ito sa katotohanan, hindi nabibilang ang mga ito sa katotohanan; ang mga ito ay kaunting kaalaman lamang tungkol sa katotohanan, kaunting kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. … Nararanasan ng lahat ng tao ang katotohanan, nguni’t nararanasan ito ng bawat isa sa magkakaibang kondisyon, at bawat isa ay nagtatamo ng magkakaibang bagay. Nguni’t kahit na pagsama-samahin pa ang kaalaman nila, hindi pa rin nila magagawang ganap na maipaliwanag ang isang katotohanan. Ganoon kalalim ang katotohanan! Bakit sinasabi na ang mga bagay na natamo mo at ang iyong kaalaman ay hindi makahahalili para sa katotohanan? Ibinabahagi mo sa iba ang iyong kaalaman, at dalawa o tatlong araw lang ng pagninilay-nilay ang kailangan para ganap nilang maranasan ito. Nguni’t maaaring igugol ng mga tao ang buong buhay nila ngunit hindi pa rin lubusang maranasan ang katotohanan; kahit pa pagsama-samahin ang naranasan ng bawat tao, hindi pa rin lubusang mararanasan ang katotohanan. Kaya makikita na lubhang malalim ang katotohanan! Hindi lubusang maipaliliwanag ang katotohanan gamit ang mga salita. …
“Maaaring may ilang karanasan o liwanag ka tungkol sa isang aspeto o panig ng isang katotohanan, ngunit hindi mo ito maibibigay sa iba magpakailanman, kaya itong liwanag na natamo mo ay hindi katotohanan; isang punto lamang ito na maaaring maabot ng mga tao. Ito lamang ang tamang karanasan at tamang pagkaunawa na dapat taglay ng isang tao: ilang aktuwal na karanasan at kaalaman sa katotohanan. Ang liwanag, kaliwanagan at pagkaunawang ito na batay sa karanasan ay hindi kailanman makakahalili sa katotohanan; kahit pa ganap nang naranasan ng lahat ng tao ang katotohanang ito, at pinagsama-sama ang lahat ng kanilang mga pagkaunawang batay sa karanasan, hindi pa rin nito mapapalitan ang nag-iisang katotohanang iyon. … Ang buhay ng tao ay palaging magiging buhay ng tao, at gaano man kaayon sa katotohanan, sa mga intensyon ng Diyos at Kanyang mga kahilingan ang iyong pagkaunawa, hindi nito kailanman makakayang humalili sa katotohanan” (“Alam Mo Ba Kung Ano Talaga ang Katotohanan?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Alam na natin na katotohanan ang mga salita ng ating Diyos. Ito lang ang maaaring maging buhay ng tao. Unawain pa rin natin na dahil ’to sa gawain at sa patnubay ng Banal na Espiritu na sila’y may taglay na katotohanan, at kaya nilang ibahagi ang dapat nating isabuhay, magdala ng tao sa harap ng Diyos, at pamunuan tayo sa pagsunod. Ito ang bunga ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang relihiyosong mga pinunong walang gawain ng Banal na Espiritu, ay naglagay ng maraming paimbabaw at mapanlinlang na mga teoriya na sumasalungat sa katotohanan. Sa mga hindi nakakaunawa, makatuwiran ang mga salitang ito at tila ayon sa katotohanan, kaya tinatanggap nila. Pero sa kalaunan ay matutuklasan nila na walang laman ang salita nila, at walang katotohanan, na imahinasyon lang ito ng tao, wala tayong mapapala. Ang ilan sa mga teoriyang ito’y ’di kanais-nais dahil salungat ito sa katotohanan, tulad ni Brother Lin na binanggit ninyo. Ang mga pangaral niya, tulad ng “Naging tao ang Diyos upang maging Diyos ang tao” at “naging isa ang Espiritu ng Diyos at espiritu ng tao,” ay makatwiran sa mga tao sa simula. Ngunit natuklasan nila na ang mga pangaral niya’y di kanais-nais at kakatuwa, wala silang kahihinatnan dito! Kung tinatanggap natin ang gawain ng Diyos, iniinom ang tubig ng salita Niya, at may katotohanan, mas mauunawaan natin kung ga’no kakulang ang mga salita ng tao kumpara sa salita ng Diyos. Pwedeng totoo ang salita ng mga pinuno’t personalidad, ngunit maling ideya ang lahat ng ito na nanlilinlang nga, naninira at nananakit. Kung ’di natin tatanggapin ang salita Niya at sasailalim sa gawain, hindi tayo makakalaya sa panlilinlang, pagkaalipin, at pagpigil ng mga huwad na pastol na ito, hindi rin tayo mapapalaya sa impluwensya ni Satanas. Kapag tayo ay sumasamba at sumusunod sa tao, sinasalungat at ipinagkakanulo natin ang Diyos. Ang lahat ng mga sumusunod sa mga relihiyosong pastol at anticristo ay iiyak at magngangalit ang ngipin sa panahon ng mga sakuna.
mula sa iskrip ng pelikulang Nanganganib na Pagdala