140 O Diyos, Nangungulila Ako sa Iyo
I
Ako’y tahimik na nananabik sa ‘Yo;
binabasa’ng mga salita Mo
nang may pagsisisi sa puso ko.
Mga mata ko’y nanlalabo sa luha;
inaasam kong tayo’y magkasamang muli.
Alam kong ako’y suwail,
na Ika’y nasaktan ko noon.
At ‘di maitatama ang marami kong pagkakamali.
‘Pag Ika’y ‘di ko nakikita, puso ko’y nasasaktan.
Sa bawat panahong lumilipas, hinihintay Kita,
aking mga araw at gabi ay puno ng pagsisisi.
Gayon ang aking pagkakautang
at pagkabalisa na luha’y tumutulo sa ‘king mukha.
Nais kong maitama’ng mga pagkakamali noon,
maibuhos ang damdamin ko sa Iyo, o Diyos.
Nasaan Ka, aking mahal?
Puso ko’y sabik makita ang Iyong mukha.
Nasaan Ka, aking mahal?
Puso ko’y nag-aalab para sa Iyong yakap.
Iisa ang ating puso’t isipan,
magkasama magpakailanman.
Iisa ang ating puso’t isipan,
magkasamang lumilikha ng isang awit ng pag-ibig.
II
Madalas iniisip ko ang boses Mo at ngiti,
inaalala ang masasayang araw.
Taimtim Mong mga aral
ay umaalingawngaw sa’king mga tainga
habang ako’y nabubuhay.
Mahahabang mga taong ito’y
naging pagdurusa para sa ‘kin;
pagkabalisa’y naging mahirap tiisin.
Pangarap kong maibalik ang oras;
inaasam kong maging nasa Iyong tabi.
Nasaan Ka, aking mahal?
Puso ko’y sabik makita ang Iyong mukha.
Nasaan Ka, aking mahal?
Puso ko’y nag-aalab para sa Iyong yakap.
Iisa ang ating puso’t isipan,
magkasama magpakailanman.
Iisa ang ating puso’t isipan,
magkasamang lumilikha ng isang awit ng pag-ibig.