141 Pananabik sa Makapangyarihang Diyos

1 O Diyos, o Diyos! Nananabik kami sa Iyo. Ikaw ay naging tao, ang Anak ng tao, at lumalakad sa gitna ng mga iglesia. Dinidiligan at tinutustusan kami ng Iyong mga salita; inaakay at sinusuportahan Mo kami sa tamang-tamang panahon. Nilalasap namin ang Iyong mga salita araw-araw, namumuhay kami sa harap Mo, at ang aming mga puso ay panatag at payapa. O Diyos, o Diyos! Minamahal naming Makapangyarihang Diyos. Ang paghatol at mga paghahayag ng Iyong mga salita ay tinutulutan kaming makilala ang aming mga sarili, makatakas sa pinsala ni Satanas, at makahakbang sa tamang landas sa buhay. Ang biyaya ng Iyong pagliligtas ay hindi makakalimutan—nakaukit ito sa aming mga puso. Nananabik kami sa Iyo!

2 O Diyos, o Diyos! Nananabik kami sa Iyo. Ang Iyong mga pagbigkas, mga salita, at gawain ay kasama namin sa araw-araw. Ang mga salita Mo ay pinaaalalahanan at hinihimok kami, at malupit kaming hinahatulan at ibinubunyag. Nakita na naming napakalalim ng aming katiwalian. Lubha kaming nagsisisi at hindi masukat ang kahihiyan, at lumalago ang aming paggalang sa Iyo. O Diyos, o Diyos! Minamahal naming Makapangyarihang Diyos. Binigkas Mo na ang bawat posibleng salita at ginawa Mo na ang lahat ng pagsisikap upang maaari kaming umunlad sa aming mga buhay. Hinahatulan at nililinis Mo kami upang maaari kaming mailigtas at makakamit ng lahat ng Iyong pag-ibig. Ito ang aming pagpapala, at lalo pang napalapit ang mga puso namin sa Iyo.

3 O Diyos, o Diyos! Nananabik kami sa Iyo. Palagi Kang sumasaamin sa gitna ng pag-uusig ng CCP. Ginagabayan kami ng Iyong mga salita sa tamang-tamang panahon. Hindi na kami nangingimi o natatakot. Taglay ang Iyong mga salita upang gabayan at suportahan kami, matatag at matibay kaming naninindigan sa gitna ng aming pagdurusa. Nagpapatotoo kami sa Iyo at niluluwalhati Ka. O Diyos, o Diyos! Minamahal naming Makapangyarihang Diyos. Ginagabayan kami ng Iyong mga salita upang talunin ang kaaway na si Satanas. Sa mga pagdurusa at mga pagsubok, ramdam namin ang Iyong pag-ibig, at lalong napapalapit ang aming mga puso sa Iyo. Nakikita namin ang Iyong kabanalan at pagiging matuwid, ang Iyong pagiging makapangyarihan sa lahat at karunungan. Pupurihin Ka namin magpakailanman.

4 O Diyos, o Diyos! Nananabik kami sa Iyo. Gumawa Ka sa maraming taon, namumuhay na katabi at kasama namin. Puno iyon ng tawanan at galak, at nag-iwan ng napakagagandang alaala. Hindi namin malilimutan ang Iyong tunay na pag-ibig, at umiibig kami sa Iyo noon pa. Nanindigan na kaming maging tapat sa Iyo magpakailanman. O Diyos, o Diyos! Minamahal naming Makapangyarihang Diyos. Tinatandaan namin ang Iyong mga pangaral, isinasagawa ang Iyong mga salita, at matapat na tinutupad ang aming mga tungkulin na magpatotoo sa Iyo at luwalhatiin Ka. Sa lupa, susundin at sasambahin Ka namin magpakailanman. Palagi kaming magiging malapit na nakaugnay sa Iyo, at hindi kami kailanman mahihiwalay sa Iyo.

Sinundan: 140 O Diyos, Nangungulila Ako sa Iyo

Sumunod: 142 Palagi Naming Pananatilihin ang Pag-ibig ng Diyos sa Aming Isipan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito