139 O Diyos, Alam Mo Ba Kung Gaanong Nananabik Ako sa Iyo?
I
Puso ko’y nananabik sa Iyo
at sa Iyong pagbabalik.
Mukha Mo’y ‘di ko makita,
at ang puso ko’y labis na nag-aalala.
Mahaba’t madilim na gabi—
kailan ko makikita’ng liwanag?
Sabik akong naghihintay na makita Kang muli,
sabik na makita Kang muli.
O, Diyos! Alam mo bang
hinihintay ko ang pagbabalik Mo?
Nakikiusap na ‘wag Mong iwan—
‘di ko kayang wala Ka!
II
Tinig Mo’y naririnig ko,
nagagalak ang aking puso.
Dumadalo ako sa piging kasama Ka,
at ninanamnam ang Iyong mga salita.
Tahimik kong ipinasyang ialay
lahat ng mayroon ako.
Nagpapatotoo’t nagpapalaganap ako
ng Iyong salita,
upang tugunan ang Iyong kalooban.
O, Diyos! Nawa’y hinihintay Mo ang pag-ibig ko.
Buong puso’t isip ay alay upang palugdan Ka;
‘di ko kayang wala Ka!
III
Sa ilalim ng Iyong paghatol,
may kirot at kalungkutan.
Kahit mahina ang laman, ‘di Kita kinalimutan,
‘di Kita kinalimutan.
Kinasusuklaman ko’ng laman,
lalo na si Satanas.
Masaya kong tinatanggap ang paghatol
para mas mabilis na maialis ang katiwalian.
‘Di ko kayang mamatay
nang ‘di natutugunan ang nais ng puso Mo.
Kung makikita ko’ng ‘Yong ngiti,
lubos akong masisiyahan!
IV
Salita Mo’y nagbibigay sa’kin
ng pananampalataya’t lakas.
‘Di na ako magiging negatibo.
Iniibig Kitang tunay.
Labis akong nagdusa sa mga pagsubok,
at katiwalian ko’y nalinis.
Gaano man karaming paghihirap,
iibig at magpapatotoo ako sa Iyo.
Umaasa akong maging bagong tao
at makamit ang pagsang-ayon Mo.
Iniaalay ang dalisay kong pag-ibig sa Iyo
at ‘di mawawalay sa Iyo!
Iniaalay ang dalisay kong pag-ibig sa Iyo
at ‘di mawawalay sa Iyo!