132 Dala ng mga Salita at Gawain ng Diyos sa Tao ay Pawang Buhay
Ⅰ
Diyos kumakapit ‘di sa luma,
ni tumatahak sa dating daan;
walang pagbabawal sa gawain at salita Niya.
Sa Diyos, lahat ay libre, malaya, walang paghihigpit.
At dala Niya sa tao’y kasarinlan at kalayaan.
Siya ang buhay na Diyos, totoong umiiral.
‘Di laruan, ‘di idolo, Siya ay iba dito.
Siya’y buhay at masigla, salita’t gawain Niya
dala’y buhay at liwanag, kalayaan sa sangkatauhan.
Hawak Niya’ng katotohanan, ang buhay, at ang daan,
sa salita’t gawain Niya Siya’y ‘di napipigilan.
Hawak Niya’ng katotohanan, ang buhay, at ang daan,
sa salita’t gawain Niya Siya’y ‘di napipigilan.
Ⅱ
Anumang sabi nila o pagkaintindi sa gawain Niya,
isasagawa pa rin Niya’ng gawain, walang pasubali.
‘Di Siya nababahala sa pagkaunawa’t pag-akusa ng tao.
Matinding pagtutol nila’y ‘di makakapigil sa Kanya.
Walang katwiran ng tao, imahinasyon,
kaalaman, o moralidad maaaring panukat
o pangtukoy sa gawain ng Diyos.
Walang nilalang na makakasira, makakaabala,
walang makakagambala sa Kanyang ginagawa.
Walang sinumang nagbabawal sa Kanyang ginagawa,
at ito’y ‘di mapipigil ng anuman o sinuman.
Walang salungat na puwersang gugulo sa anuman.
Sa bagong gawain Niya, Siya’y laging waging Hari.
Ⅲ
Puwersa ng kaaway at heresiya ng tao,
lahat ay niyurakan sa ilalam ng tuntungan Niya.
Alinmang bagong yugto ng gawaing Kanyang ginagawa,
‘to’y dapat malinang at mapalawak sa tao,
isagawa nang walang hadlang sa buong sansinukob
hanggang Kanyang dakilang gawain ay ganap.
‘To’y pagkamakapangyarihan sa lahat,
dunong at lakas ng Diyos.
Walang pagbabawal sa Makapangyarihang Diyos.
Gawain Niya’y may prinsipyo, nguni’t walang pagbabawal,
dahil Diyos Mismo ang katotohanan,
ang buhay, at ang daan.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III