131 Naghahatid ng Bagong Gawain ang Diyos sa Bagong Kapanahunan
I
Nang simulan ni Jesus ang gawain,
iniwan Niya’ng tanikala sa Panahon ng Kautusan,
na lumansag sa mga prinsipyo’t tuntunin nito.
At walang naiwan sa Kanya;
‘tinakwil Niya ito nang tuluyan,
ni humingi sa taong matyagan ito.
Si Jesus ay ‘di nagpahinga sa Sabbath;
Siya’y nasa labas gumagawa.
Ito’y pagkabigla sa lahat
na Siya’y wala na sa ilalim ng kautusan,
mula sa hangganan ng Sabbath,
sa isang bagong imahe’t gawain.
Nung sinisimulan ng Diyos
ang bagong gawain Niya,
‘binubunyag Niya’ng sarili sa tao,
gamit ang bagong imahe,
sa isang bagong paraan.
Ito’y isa sa mga layunin Niya
na nakikita ng tao’ng ibang aspeto
ng Kanyang disposisyon,
kung ano Siya’t ano’ng mayro’n Siya.
II
Kilos ni Jesus ‘pinakitang
may dinala Siyang bagong gawain,
simula sa paglisan sa Sabbath,
paglabas mula sa kautusan.
Nung ‘sinagawa ng Diyos
ang bagong gawain Niya,
isinantabi Niya’ng nakaraan,
‘di na hawak ng dating tuntunin
ng Panahon ng Kautusan.
Kaya sa araw ng Sabbath
ay gumawa pa rin Siya.
Nung nagutom ang mga disipulo Niya,
sila’y makapipitas ng mais para kainin.
Ito ay normal sa Diyos.
Diyos ay makasisimulang muli
sa mga gawai’t salita Niya.
‘Di lumilingon, nagsisimula Siya ng bago.
Nung sinisimulan ng Diyos
ang bagong gawain Niya,
‘binubunyag Niya’ng sarili sa tao,
gamit ang bagong imahe,
sa isang bagong paraan.
Ito’y isa sa mga layunin Niya
na nakikita ng tao’ng ibang aspeto
ng Kanyang disposisyon,
kung ano Siya’t ano’ng mayro’n Siya.
III
Gawain ng Diyos ay may mga prinsipyo’t
‘pag sinisimulan Niya’ng bagong gawain,
dinadala Niya ang tao sa mas mataas na yugto.
‘Di Niya tatandaan o sasang-ayunan
ang pagkapit ng tao sa lumang salita, tuntunin,
dahil dinala’t pinasok na Niya
ang bagong yugto ng gawain.
Nung sinisimulan ng Diyos
ang bagong gawain Niya,
‘binubunyag Niya’ng sarili sa tao,
gamit ang bagong imahe,
sa isang bagong paraan.
Ito’y isa sa mga layunin Niya
na nakikita ng tao’ng ibang aspeto
ng Kanyang disposisyon,
kung ano Siya’t ano’ng mayro’n Siya,
whoa, kung ano Siya’t ano’ng mayro’n Siya,
kung ano Siya’t ano’ng mayro’n Siya.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III