273 Hindi Ako Titigil Hanggang Makamit Ko ang Katotohanan
Pinaninindigan ko na si Cristo ang katotohanan,
ang daan, at ang buhay.
Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakikilala ang Diyos!
Kung hindi ko makakayanan ang pagdurusang dapat kong tiisin,
hindi ako karapat-dapat na tawaging tao.
Kung hindi ko masusuklian ang pag-ibig ng Diyos
mahihiya ako na makita Siya.
Ⅰ
Ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao’y ang Diyos Mismo.
Siya ang praktikal na Diyos
na nagkatawang-tao sa mga huling araw.
Bago nagsimula ang panahon,
itinakda Niya ang aking pagsilang sa mga huling araw.
Sa pagsakop at pagliligtas sa akin,
ipinagkaloob sa akin ng Diyos ang Kanyang buhay.
Hinatulan na ng Diyos ang makasalanang kalikasan ng sangkatauhan.
Inilalantad Niya ang kakila-kilabot
at masamang mukha ni Satanas sa sangkatauhan.
Isa akong kahihiyan na walang mataguan, labis akong nahihiya.
Alam kong isang dakot lang ako ng lupa.
Wala na akong natitirang maipagmamalaki pa.
Nagpapatirapa ako sa lupa, ang puso ko ay nasakop na.
Ⅱ
Inilalantad ng katuwiran at kabanalan ng Diyos ang aking pagsuway,
at kinamumuhian ko ang aking kasakiman at kasamaan.
Ang mismong buhay ng Diyos ang katotohanan.
Nauuhaw ang puso ko sa katotohanan, magsisikap ako upang lumago.
Ang pagkilala sa Diyos ang nag-uudyok sa aking magpatuloy sa buhay.
Ang mamuhay sa Kanyang mga salita
ay tunay na dakilang pagpapala.
Naunawaan ko ang aking sarili dahil sa gawain ng Diyos.
Nakita ko na ang lalim ng aking kasamaan,
hindi ako nararapat maglingkod sa Kanya.
Masigasig akong susunod, magsasakripisyo,
at tahimik kong mamahalin ang Diyos.
Maligaya ako na makakapagpatotoo ako para sa Kanya.