157 Ang Nagkatawang-taong Anak ng Tao’y Diyos Mismo
Ⅰ
Nang pagka-Diyos ng Diyos,
sa dugo’t laman natanto,
malinaw nang Siya ay narito.
Malalapitan Siya ng tao,
mauunawaan kalooban Niya,
maging pagka-Diyos Niya sa mga salita,
gawa at kilos ng Anak ng tao.
Sa pagkatao, inihayag ng Anak
kalooban at pagka-Diyos ng Diyos.
At sa pagpapakita ng disposisyon,
inihayag Niya sa tao ang Diyos
sa espirituwal na dako,
na ‘di nahihipo o nakikita.
Nakita nilang Diyos, may laman at anyo.
Ⅱ
Kaya nagkatawang-taong Anak ng tao,
katayua’t disposisyon ng Diyos ginawang totoo.
Kanyang pagkatao o pagka-Diyos,
di maikakailang kumakatawan Siya sa Diyos.
Gumawa at nagsalita ang Diyos sa laman.
Sa pagkakakilanlan bilang Anak ng tao,
humarap Siya sa tao, pinaranas sila
ng salita at gawain ng Diyos,
pinaalam pagka-DiyosNiya’t
kadakilaan sa pagpapakumbaba.
Ⅲ
Dama ng tao na totoong may Diyos,
na Siya ay totoo. Nauunawaan nila ito.
Sa pagkatao, inihayag ng Anak
kalooban at pagka-Diyos ng Diyos.
At sa pagpapakita ng disposisyon,
inihayag Niya sa tao ang Diyos
sa espirituwal na dako,
na ‘di nahihipo o nakikita.
Nakita nilang Diyos, may laman at anyo.
Kahit gawain, paraa’t pananalita
ng Panginoong Jesus ay iba
sa tunay na persona ng Diyos
sa espirituwal na dako,
talagang kinakatawan Niya ang Diyos.
Di ‘yan maikakaila.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III