14 Si Cristo ng mga Huling Araw ay Nagpapakita sa Silangan

1 Isang dakilang liwanag ang nagpapakita sa madilim na lupain; naglabas ng kidlat mula sa Silangan. Ito ang pagdating ng Anak ng tao—paano kami hindi malakas na aawit? Ikaw ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao; Ikaw ang Tagapagligtas na nagbalik sa mga huling araw. Nilalakasan namin ang aming mga tinig upang awitin ang tungkol sa Iyo!

2 Umuupo ang matagumpay na Hari sa trono; nagtagumpay Ka na sa Iyong pagtubos at nagbalik sa katawang-tao. Ang paghatol ay nagsisimula sa Sambahayan ng Diyos; ang paghatol ng mga huling araw ay nagsimula na. Ipinahahayag Mo ang katotohanan upang magdala ng kaligtasan; ang lahat ng tao Mo ay nagbalik sa harapan ng Iyong trono! Ang kaharian ay bumaba na sa sangkatauhan!

3 Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, ang praktikal na Diyos, bumibigkas Ka ng mga salita, lumalakad sa mga iglesia, at sumasaamin ang Iyong pag-ibig. Personal Mong dinidiligan at tinutustusan ang Iyong mga tao, gumagawa ng isang grupo ng mananagumpay! Ang Iyong mga tao ay malapit na sumusunod sa Iyong mga yapak, matapat na ginugugol ang kanilang buhay para sa Iyo. Ang Iyong mga tao ay malapit na sumusunod sa Iyong mga yapak, matapat na ginugugol ang kanilang buhay para sa Iyo.

4 Matagumpay si Cristo ng mga huling araw; labis na napahiya si Satanas, ang malaking pulang dragon. Ang hinirang na mga tao ng Diyos ay kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita, nauunawaan ang katotohanan, at nagpapatotoo sa Kanyang tagumpay! Makapangyarihang Diyos, natalo Mo na si Satanas! Nakamit Mo na ang kaluwalhatian! Ganap nang natapos ang Iyong dakilang gawain!

5 Ang lahat ng tao ay pinupuri ang maluwalhating banal na pangalan ng Diyos. Umaalingawngaw ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos mula Silangan hanggang Kanluran; Siya ang Araw na nagniningning. Nakamit na ng Diyos ang kaharian at naparito na sa lupa. Nagpakita na ang kaharian ni Cristo. Makapangyarihang Diyos, pinupuri ka namin nang malakas, sumasayaw at inaawit ang Iyong pangalan! Nakakamtan ang lahat ng Iyong mga salita, at ipinapakita ang Iyong pagiging makapangyarihan sa lahat!

Sinundan: 13 Ang Nag-iisang Tunay na Diyos ay Nagpakita na sa Katawang-tao

Sumunod: 15 Ang Matuwid, Makapangyarihan, at Praktikal na Diyos

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger