15 Ang Matuwid, Makapangyarihan, at Praktikal na Diyos
I
Ang nag-iisang tunay na Diyos,
Siya ay walang hanggan,
winika ang Kanyang mga salita,
nagkabuhay ang mga nilikha.
Nagsalita Siya at ito’y nangyari,
nag-utos Siya at ito’y natupad.
Ang alabok ay naging mga tao.
Inalagaan Niya ang Kanyang mga nilikha,
at napuno ng buhay ang langit at lupa.
II
Nagbigay Siya ng mga batas,
nagsagawa ng kababalaghan.
Pinatnubayan Niya ang tao, inalagaan sila.
Pero inabandona ng tao
ang kanilang mga sarili para sa kasamaan,
marumi at tiwali, ‘di maatim tingnan.
Mapagkumbaba sa katawang-tao,
pinatawad sila ng Diyos,
pinabayaan ang karangalan,
tiniis ang kawalang-katarungan.
Matapos ang tatlumpung taon
ng malupit na buhay,
nagdusa Siya sa krus at tahimik na lumisan.
Ang Kanyang mahalagang dugo,
sakripisyo Niyang inialay,
ipinangtubos sa tao,
at iniwang tunay na pag-ibig.
III
Ang kidlat ay nagpakita na sa Silangan,
isang puting ulap ang bumaba na sa Sinim.
Puspos ng pagkamakatwiran,
nagbalik na ang Diyos sa lupa,
Siya ang Makapangyarihang Diyos
na nagkatawang-tao.
Sinisimulan ang bagong panahon,
nagdadala ng bagong gawain,
pinahahayag N’ya katotohanan para tao’y iligtas,
humahatol hanggang wakas.
IV
Ang paghihimagsik ng tao’y
nananatili sa Kanyang isipan,
ang kalungkutan at hinanakit
ay nasa Kanyang puso.
Lumuluha Siya ng dugo,
pinanghahawakan ang labis na pagtitiis.
Sino ang aalo sa Kanyang pusong nagluluksa?
Galit pero maawain, Siya’y nagtutustos.
Kumikilos Siya at naghihintay,
ibinibigay pa rin ang tunay na pagmamahal.
Ilang ulit na bang namukadkad
at nalanta ang mga bulaklak?
Ang mga gansa’y lumilipad
patimog at nagbabalik.
Katawang-tao Niya’y hiniya,
ang Kanyang puso’y sinaktan nang lubusan.
Mag-isa Siyang nagdurusa,
walang lugar na mapagpahingahan,
araw at gabing kumikilos,
‘di alintana pagkain o tulog.
Sa puso ng Kanyang mabait na ina,
bumubuhos ang Kanyang luha at dugo,
ngunit ang Kanyang mga tunay na salita,
dumaranas ng pangungutya.
V
Mapagkumbabang nakatago,
ipinagpatuloy Niya ang Kanyang gawain.
Sa wakas, nakakamit Niya
isang grupo ng mga tao
na kaisa Niya sa puso at kaisa Niya sa isipan.
Mapagkumbabang nakatago,
ipinagpatuloy Niya ang Kanyang gawain.
Sa wakas, nakakamit Niya
isang grupo ng mga tao
na kaisa Niya sa puso at kaisa Niya sa isipan.
Pagkamakatwiran,
pagkamakapangyarihang
ipinakita sa katawang-tao,
Siya ang Makapangyarihang Diyos!