13 Ang Nag-iisang Tunay na Diyos ay Nagpakita na sa Katawang-tao
Ⅰ
Lumalabas ang pitong kulog, at nayayanig ang kalangitan.
Nagpakita na ang nag-iisang tunay na Diyos.
Ang Banal na Espiritu ay nangungusap, nagpapatotoo dito.
Nagdadala ang Kanyang mga salita ng awtoridad, niyayanig ang buong mundo.
Nagpakita na ang Diyos sa katawang-tao, bumalik na ang Manunubos.
Dumating na Siya na nasa puting ulap.
Narinig na namin ang tinig ng Diyos, nakita na namin ang Kanyang mukha.
Ngayon na sumusunod kami sa Cordero, dumadalo na kami sa piging.
Inihahandog namin ang aming tunay na mga puso sa Diyos
at matapat na ginagampanan ang aming mga pang-araw-araw na tungkulin.
Sa pamamagitan ng mga paghihirap at pagsubok, nagpapatotoo kami sa Diyos.
Ang hinaharap ng kaharian ay walang-hanggang maliwanag.
Ang mga nagmamahal sa Diyos na Makapangyarihan ay namumuhay sa liwanag,
sa walang kapantay na kasiyahan.
Gumawa na ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay, tinatapos ang Kanyang gawain.
Nakamit na Niya ang kaluwalhatian,
at nagpakita na ang kaharian ni Cristo sa lupa.
Ⅱ
Natanggap na namin ang paghatol ng Diyos, at nalinis na kami.
Nagsimula na ang pagsasanay ng kaharian.
Ang pagkakamit ng sariling pagliligtas ng Diyos ay talagang isang pagpapala.
Ngayon ay isinasagawa namin ang katotohanan ng Diyos at namumuhay kaming lahat sa harap ng Diyos.
Namumuhay kami sa loob ng mga salita ng Diyos,
at habang mas maraming salita Niya ang aming binabasa,
mas nauunawaan namin ang katotohanan.
Pumapasok kami sa realidad ng mga salita ng Diyos,
nababago ang aming mga disposisyon.
Isinasabuhay namin ang wangis ng isang tao, niluluwalhati at pinapatotohanan ang Diyos.
Inihahandog namin ang aming tunay na mga puso sa Diyos
at matapat na ginagampanan ang aming mga pang-araw-araw na tungkulin.
Sa pamamagitan ng mga paghihirap at pagsubok, nagpapatotoo kami sa Diyos.
Ang hinaharap ng kaharian ay walang-hanggang maliwanag.
Ang mga nagmamahal sa Diyos na Makapangyarihan ay namumuhay sa liwanag,
sa walang kapantay na kasiyahan.
Gumawa na ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay, tinatapos ang Kanyang gawain.
Nakamit na Niya ang kaluwalhatian,
at nagpakita na ang kaharian ni Cristo sa lupa.
Ⅲ
May malasakit kami sa kalooban Mo, Makapangyarihang Diyos.
Masaya kaming isuko ang lahat
at gugulin ang aming sarili para sa Iyo.
Ang hinaharap ng kaharian ay walang-hanggang maliwanag.
Ang mga nagmamahal sa Diyos na Makapangyarihan ay namumuhay sa liwanag,
sa walang kapantay na kasiyahan.
Gumawa na ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay, tinatapos ang Kanyang gawain.
Nakamit na Niya ang kaluwalhatian,
at nagpakita na ang kaharian ni Cristo
sa lupa, sa lupa, sa lupa, sa lupa.