336 Hindi Ka Lamang Nabubuhay para sa Katotohanan
1 Kahit na tanggapin ninyo ang pagkastigong ito ngayon, gayunpaman ang inyong pinagsisikapan ay hindi ang matamo ang katotohanan o ipamuhay ang katotohanan sa kasalukuyan, bagkus ay ang magsimulang mamuhay nang masaya sa kabilang buhay kalaunan. Hindi kayo naghahanap sa katotohanan, ni hindi kayo naninindigan para sa katotohanan, at tiyak na hindi kayo nabubuhay para sa katotohanan. Lagi ninyong iniisip na ang Tagapagligtas na may walang-hanggang kabaitan at habag ay walang dudang darating balang araw upang isama ka Niya, ikaw na nagtiis ng kahirapan at pagdurusa sa mundong ito, at Siya ay maghihiganti para sa iyo na nabiktima at naapi. Hindi ka ba puno ng kasalanan? Ikaw lamang ba ang nagdusa sa mundong ito? Ikaw mismo ay nahulog sa nasasakupan ni Satanas at nagdusa—kailangan ka pa rin ba talagang ipaghiganti ng Diyos?
2 Kung taglay mo ang katotohanan, makakasunod ka sa Diyos. Kung mayroon kang pagsasabuhay, maaari kang maging isang pagpapamalas ng salita ng Diyos. Kung mayroon kang buhay, maaari kang magtamasa ng pagpapala ng Diyos. Sila na nagtataglay ng katotohanan ay maaaring magtamasa ng pagpapala ng Diyos. Tinitiyak ng Diyos ang pagtutuwid para sa kanila na nagmamahal sa Kanya nang taos-puso at nagtitiis ng mga kahirapan at mga pagdurusa, ngunit hindi para doon sa mga nagmamahal lamang sa kanilang mga sarili at nabihag sa mga panlilinlang ni Satanas. Paano magkakaroon ng kabutihan sa kanila na hindi umiibig sa katotohanan? Paano magkakaroon ng katuwiran sa kanila na umiibig lamang sa laman? Hindi ba’t ang katuwiran at kabutihan ay parehong binabanggit lamang kaugnay ng katotohanan? Hindi ba’t nakalaan ang mga iyon para sa kanila na buong-pusong nagmamahal sa Diyos? Sila na hindi umiibig sa katotohanan at mga nabubulok na bangkay lamang—hindi ba ang lahat ng taong ito ay nagkakandili ng kasamaan? Sila na walang kakayahang ipamuhay ang katotohanan—hindi ba’t lahat sila ay kaaway ng katotohanan? At ano naman kayo?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay