337 Ano na ang Nailaan Ninyo sa Diyos?
1 Inialay ni Abraham si Isaac—ano na ang naialay ninyo? Inialay ni Job ang lahat-lahat—ano na ang naialay ninyo? Napakarami nang taong nag-alay ng kanilang buhay, nagyuko ng kanilang ulo, nagpadanak ng kanilang dugo upang hanapin ang tunay na daan. Nagawa na ba ninyo ang sakripisyong iyan? Kung ikukumpara, ni hindi man lang kayo nararapat na magtamasa ng gayon kalaking biyaya. Huwag ninyong gaanong taasan ang tingin ninyo sa inyong sarili. Wala kang dapat ipagmayabang. Ang gayon kadakilang kaligtasan, ang gayon kadakilang biyaya ay buong layang ibinibigay sa inyo. Wala kayong naisakripisyo, subalit buong laya kayong nagtatamasa ng biyaya. Hindi ba kayo nahihiya?
2 Ang tunay na daan bang ito ay isang bagay na hinanap at natagpuan ninyo mismo? Hindi ba ang Banal na Espiritu ang pumilit sa inyo na tanggapin ito? Hindi kayo nagkaroon kailanman ng pusong naghahanap, lalong wala kayong pusong naghahanap at nasasabik sa katotohanan. Nakaupo lang kayo at nasisiyahan dito; nakamit ninyo ang katotohanang ito nang wala ni katiting na pagsisikap. Ano ang karapatan ninyong magreklamo? Palagay mo ba napakahalaga mo? Kumpara sa mga nagsakripisyo ng kanilang buhay at nagpadanak ng kanilang dugo, ano ang inirereklamo ninyo? Wala kayong ibang pagpipilian kundi tumalima at sumunod. Talagang hindi kayo karapat-dapat!
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa mga Inapo ni Moab