Tanong 1: Sa mga taon ng pananampalataya ko, kahit alam kong ang Panginoong Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos, Hindi ko naintindihan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao. Kung ang pagpapakita ng Panginoon sa ikalawang pagdating ay katulad ng kung paano nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus bilang ang Anak ng tao para gawin ang Kanyang gawain, hindi natin makikilala ang Panginoong Jesus, hindi tayo makakasalubong sa pagdating ng Panginoon. Naniniwala ako na ang pagkakatawang-tao ay malaking hiwaga. Iilan lamang ang tunay na nakauunawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao. Pag-usapan natin ang bagay na ito, kung ano nga ba ang pagkakatawang-tao.

Sagot: Ang pagkakatawang-tao ay tunay na kamangha-manghang hiwaga. Sa loob ng libu-libong taon, ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ay hindi naunawaan ng lahat. Ngayon lamang na dumating ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at personal na ibinunyag ang hiwaga ng pagkakatawang-tao Basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos. “Ang ‘pagkakatawang-tao’ ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao. Kaya para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkatawang-tao, naging isang tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos).

Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit).

Ang Cristong may normal na pagkatao ay isang katawang-tao kung saan naging totoo ang Espiritu, at nagtataglay ng normal na pagkatao, normal na diwa, at pag-iisip ng tao. Ang ‘maging totoo’ ay nangangahulugan na ang Diyos ay nagiging tao, ang Espiritu ay nagiging tao; para mas malinaw, ito ay kapag nanahan ang Diyos Mismo sa isang katawang may normal na pagkatao, at sa pamamagitan nito ay ipinapahayag Niya ang Kanyang banal na gawain—ito ang ibig sabihin ng maging totoo, o magkatawang-tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos).

Dahil Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, nangingibabaw Siya sa lahat ng taong nilikha, nangingibabaw sa sinumang taong makakagawa ng gawain ng Diyos. Kaya nga, sa lahat ng may katawan ng taong kagaya ng sa Kanya, sa lahat ng nagtataglay ng pagkatao, Siya lamang ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao—lahat ng iba pa ay mga taong nilikha. Bagama’t lahat sila ay may pagkatao, walang ibang taglay ang mga tao maliban sa pagkatao, samantalang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang katawang-tao hindi lamang Siya may pagkatao kundi, ang mas mahalaga, mayroon Siyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagkatao ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang katawan at sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, ngunit ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap mahiwatigan. Dahil naipapahayag lamang ang Kanyang pagka-Diyos kapag Siya ay may pagkatao, at hindi higit-sa-karaniwan na tulad ng iniisip ng mga tao, napakahirap para sa mga tao na makita ito. … Dahil naging tao ang Diyos, ang Kanyang diwa ay isang kumbinasyon ng pagkatao at ng pagka-Diyos. Ang kumbinasyong ito ay tinatawag na Diyos Mismo, Diyos Mismo sa lupa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos).

Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos nakikita natin na ang pagkakatawang-tao ay ang Espiritu ng Diyos na nadamitan ng katawang-tao, ibig sabihin, ang Espiritu ng Diyos ay nagkatotoo sa katawang-tao na may normal na pagkatao at normal na pag-iisip ng tao, at sa gayon ay nagiging karaniwan at normal na tao na kumikilos at nagsasalitang kasama ng mga tao. Ang katawang-tao na ito ay may normal na pagkatao, ngunit mayroon ding ganap na kabanalan. Bagaman sa panlabas na anyo ang Kanyang katawang-tao ay tila karaniwan at normal, nagagawa Niya ang gawain ng Diyos, naipapahayag ang tinig ng Diyos, at ginagabayan at inililigtas ang sangkatauhan. Ito ay dahil mayroon Siyang ganap na pagka-Diyos. Ang ibig sabihin ng ganap na pagka-Diyos ay lahat ng taglay ng Espiritu ng Diyos—ang likas na disposisyon ng Diyos, ang banal at matuwid na diwa ng Diyos, lahat ng mayroon ang Diyos at kung ano Siya, ang pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos, at awtoridad at kapangyarihan ng Diyos—lahat ng ito’y nagkatotoo sa katawang-tao. Ang katawang-tao na ito ay si Cristo, ang praktikal na Diyos na narito sa lupa para gumawa at iligtas ang sangkatauhan. Sa Kanyang panlabas na anyo, si Cristo ay isang karaniwan at normal na Anak ng tao, ngunit malaki ang Kanyang ipinagkaiba sa alinmang nilikhang nilalang. Ang taong nilikha ay mayroon lamang pagkatao, wala siya ni kaunting bakas ng banal na diwa. Gayunman, si Cristo ay hindi lamang mayroong normal na pagkatao; mas mahalaga, Siya ay may ganap na pagka-Diyos. Kaya, mayroon Siyang diwa ng Diyos, kaya Niyang katawanin ang Diyos nang lubusan, ipinapahayag ang lahat ng katotohanan bilang Diyos Mismo, ipinapahayag ang disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, at pinagkakalooban ang tao ng katotohanan, daan, at buhay. Walang taong nilikha na kaya ang gayong mga dakilang gawa. Si Cristo ay gumagawa at nagsasalita, ipinapahayag ang disposisyon ng Diyos, at lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos sa Kanyang katawang-tao. Gaano man Niya ipinapahayag ang salita ng Diyos at ginagawa ang gawain ng Diyos, palagi Niyang ginagawa ito sa saklaw ng normal na pagkatao. Siya ay may normal na katawang-tao, walang anumang kahima-himala tungkol sa Kanya. Patunay ito na ang Diyos ay dumating sa katawang-tao, Siya ay naging karaniwang tao na. Itong karaniwan at normal na katawang-tao ay nagsakatuparan sa katunayan ng “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao.” Siya ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao. Dahil si Cristo ay may ganap na pagka-Diyos, kaya Niyang katawanin ang Diyos, ipahayag ang katotohanan, at iligtas ang sangkatauhan. Dahil si Cristo ay may ganap na pagka-Diyos, kaya Niyang ipahayag nang direkta ang salita ng Diyos, hindi lamang ihatid o ipasa ang salita ng Diyos. Kaya Niyang ipahayag ang katotohanan anumang oras at saan man, tinutustusan, dinidiligan, at pinapastol ang tao, ginagabayan ang buong sangkatauhan. Dahil si Cristo ay may ganap na pagka-Diyos, at nagtataglay ng pagkakakilanlan at diwa ng Diyos, masasabi nating Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, ang praktikal na Diyos Mismo.

Ang pinakamalaking hiwaga ng pagkakatawang-tao ay may kaunting kinalaman sa kung malaki ang katawang-tao ng Diyos o katulad ng sa karaniwang tao. Sa halip ito ay may kinalaman sa katotohanan na ang ganap na pagka-Diyos ay natatago sa normal na katawang-tao na ito. Walang taong may kakayahang matuklasan o makita itong natatagong pagka-Diyos. Tulad nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, kung walang nakarinig sa Kanyang tinig at dumanas ng Kanyang salita at gawa, wala sanang nakakilala na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos. Kaya’t ang pagkakatawang-tao ng Diyos ang pinakamainam na paraan para Siya makababa nang lihim sa mga tao. Noong dumating ang Panginoong Jesus, wala ni isang makapagsabi batay sa Kanyang panlabas na anyo na Siya ang Cristo, ang Diyos na nagkatawang-tao, at wala ni isang makakita sa pagka-Diyos na nakatago sa Kanyang pagkatao. Matapos lamang maipahayag ng Panginoong Jesus ang katotohanan at nagawa ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan, natuklasan ng tao na ang Kanyang salita ay may awtoridad at kapangyarihan, at noon lamang nagsimulang sumunod sa Kanya ang mga tao. Nang magpakita lamang ang Panginoong Jesus sa mga tao matapos Siyang mabuhay na muli, nila natanto na Siya ang nagkatawang-taong Cristo, ang pagpapakita ng Diyos. Kung hindi Niya ipinahayag ang katotohanan at ginawa ang Kanyang gawain, wala sanang sumunod sa Kanya. Kung hindi Siya sumaksi sa katotohanan na Siya ay si Cristo, ang pagpapakita ng Diyos, wala sanang nakakilala sa Kanya. Dahil naniniwala ang tao na kung Siya talaga ang Diyos na nagkatawang-tao, ang Kanyang katawan ay dapat mayroong kahima-himalang mga katangian, dapat higit ang nagagawa Niya kaysa karaniwang tao, na may malawak, makapangyarihang tindig, at napakataas na presensya, Hindi lamang Siya dapat magsalita nang may awtoridad at kapangyarihan, kundi dapat magpakita rin ng mga palatandaan at kababalaghan saanman Siya magpunta—ganito dapat ang Diyos na nagkatawang-tao. Kung Siya ay karaniwan sa panlabas na anyo, tulad ng sinumang karaniwang tao, at may normal na pagkatao, kung gayon tiyak na hindi Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Muli nating gunitain, nang ang Panginoong Jesus ay nagkatawang-tao upang magsalita at gawin ang gawain, kahit gaano Niya ipahayag ang katotohanan at ang tinig ng Diyos, walang sinumang nakakilala sa Kanya. Nang marinig ang isang taong sumasaksi sa Panginoong Jesus sinabi pa nilang: Hindi ba’t ito ang anak ni Jose? Hindi ba’t ito ay isang Nazareno? Bakit ganito manalita ang mga tao tungkol sa Kanya? Dahil ang Panginoong Jesus ay nagkaroon ng normal na pagkatao sa panlabas na anyo. Siya ay normal, katamtamang tao, at wala Siyang malakas, napakataas na presensya, kaya’t walang tumanggap sa Kanya. Katunayan, yamang Siya ang pagkakatawang-tao, dapat Siyang magkaroon ng normal na pagkatao ayon sa depinisyon, dapat Niyang ipakita sa mga tao na ang katawang-tao ng Diyos Mismo ay isang karaniwan at normal na katawang-tao, nagpapakita Siya tulad ng isang normal na tao. Kung ang Diyos ay nag-anyo sa katawan ng isang higit pa sa tao, hindi isang taong may normal na pagkatao, ang buong kahulugan ng pagkakatawang-tao ay mawawala. Kaya si Cristo ay kailangang magkaroon ng normal na pagkatao. Sa ganitong paraan lamang mapatutunayan na Siya ang Verbo na nagkatawang-tao.

Basahin pa natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos. “Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay na isinasagawa ng isang ordinaryo at normal na tao ang gawain ng Diyos Mismo; ibig sabihin, isinasagawa ng Diyos na iyon ang Kanyang banal na gawain sa pagkatao at sa gayon ay nagagapi si Satanas. Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging isang tao, ibig sabihin, ang Diyos ay nagiging tao; ang gawaing ginagawa ng tao ay ang gawain ng Espiritu, na nagiging totoo sa katawang-tao, ipinapahayag ng tao. Walang sinuman maliban sa laman ng Diyos ang makakatupad sa ministeryo ng nagkatawang-taong laman ng Diyos; ibig sabihin, tanging ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, ang normal na pagkataong ito—at wala nang iba—ang maaaring magpahayag ng banal na gawain. Kung, noong una Siyang pumarito, hindi nagtaglay ang Diyos ng normal na pagkatao bago Siya nag-edad dalawampu’t siyam—kung noong Siya ay isilang ay agad Siyang nakagawa ng mga himala, kung noong Siya ay matutong magsalita ay agad Siyang nakapagsalita ng wika ng langit, kung noong una Siyang tumapak sa lupa ay nakaya Niyang hulihin ang lahat ng makamundong bagay, mahiwatigan ang mga iniisip at layunin ng bawat tao—hindi maaaring natawag ang taong iyon na isang normal na tao, at hindi maaaring natawag ang katawang iyon na katawan ng tao. Kung nangyari ito kay Cristo, mawawalan ng kahulugan at diwa ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang pagtataglay Niya ng normal na pagkatao ay nagpapatunay na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao sa laman; ang katotohanan na sumasailalim Siya sa normal na proseso ng paglaki ng tao ay lalo pang nagpapamalas na Siya ay isang normal na tao; bukod pa riyan, ang Kanyang gawain ay sapat nang patunay na Siya ang Salita ng Diyos, ang Espiritu ng Diyos, na naging tao. Ang Diyos ay naging tao dahil sa mga pangangailangan ng Kanyang gawain; sa madaling salita, ang yugtong ito ng gawain ay kailangang isagawa sa katawang-tao, kailangan itong isagawa sa normal na pagkatao. Ito ang unang kailangan para sa ‘ang Salita ay naging tao,’ para sa ‘ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao,’ at ito ang tunay na kuwento sa likod ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos).

Kung, mula sa sandali ng Kanyang pagsilang, masigasig na sinimulan ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang ministeryo, na nagsasagawa ng higit-sa-karaniwang mga tanda at himala, hindi sana Siya nagkaroon ng pisikal na diwa. Samakatuwid, umiiral ang Kanyang pagkatao para sa kapakanan ng Kanyang pisikal na diwa; hindi maaaring magkaroon ng katawang-tao nang walang pagkatao, at ang isang taong walang pagkatao ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang pagkatao ng laman ng Diyos ay isang tunay na pagmamay-ari ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Ang sabihing ‘kapag naging tao ang Diyos lubos Siyang banal, at hindi talaga tao,’ ay kalapastanganan, sapagkat wala talagang ganitong pahayag, at lumalabag ito sa prinsipyo ng pagkakatawang-tao. … Umiiral ang pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao para mapanatili ang normal na banal na gawain sa katawang-tao; ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao ay sumusuporta sa Kanyang normal na pagkatao at sa lahat ng Kanyang normal na pisikal na aktibidad. Masasabi ng isang tao na ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao ay umiiral upang suportahan ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao. Kung ang katawang-taong ito ay hindi nagtaglay ng isang normal na pag-iisip ng tao, hindi maaaring gumawa ang Diyos sa katawang-tao, at hindi maaaring isakatuparan kailanman ang kailangan Niyang gawin sa katawang-tao. … Kaya ang Diyos na nagkatawang-tao ay kailangang magtaglay ng isang normal na pag-iisip ng tao, kailangang magtaglay ng normal na pagkatao, dahil kailangan Niyang isagawa ang Kanyang gawain sa pagkataong may normal na pag-iisip. Ito ang diwa ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, ang pinakadiwa ng Diyos na nagkatawang-tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos).

Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos malinaw nating nakikita na ang Diyos na nagkakatawang-tao ay kailangang may normal na pagkatao, dahil kung hindi, hindi Siya magiging pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa panlabas na anyo, mukha Siyang karaniwan, normal na tao, at walang kahima-himala tungkol sa Kanyang pagkatao. Kaya’t kung susukatin natin si Cristo gamit ang ating mga pagkaintindi at imahinasyon, hindi natin kailanman kikilalanin o tatanggapin si Cristo. Kikilalanin lamang natin Siya bilang isang propetang isinugo ng Diyos, o isang taong ginagamit ng Diyos. Kung talagang gusto nating makilala si Cristo, kailangan nating pag-aralan ang Kanyang mga salita at gawa para makita kung ang ipinapahayag Niya ay ang sariling tinig ng Diyos, kung ang mga salitang ipinapahayag Niya ay ang mga pagpapamalas ng disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, at makita kung ang Kanyang gawa at ang katotohanan na ipinapahayag Niya ay makapagliligtas sa sangkatauhan. Noon lamang natin malalaman, matatanggap, at susundin si Cristo. Kung hindi natin hahanapin ang katotohanan, hindi sinisiyasat ang gawa ng Diyos, kahit marinig natin ang mga salita ni Cristo at makita ang gawa ni Cristo, hindi pa rin natin makikilala si Cristo. Kahit kasama natin si Cristo mula umaga hanggang gabi, tatratuhin pa rin natin Siyang tulad ng karaniwang tao at sa gayon ay lalabanan at ikokondena si Cristo. Katunayan, para kilalanin at tanggapin si Cristo, ang kailangan lang nating gawin ay kilalanin ang tinig ng Diyos at kilalanin na ginagawa Niya ang gawain ng Diyos. Ngunit para malaman ang banal na diwa ni Cristo at sa gayon ay kamtin ang tunay na pagsunod kay Cristo at mahalin ang praktikal na Diyos, kailangan nating matuklasan ang katotohanan sa loob ng mga salita at gawa ni Cristo, makita ang disposisyon ng Diyos at ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, makita ang banal na diwa, pagkamakapangyarihan, at karunungan ng Diyos, makita na ang Diyos ay kaibig-ibig at pahalagahan ang Kanyang marubdob na mga intensiyon. Tanging sa ganitong paraan tunay na susundin ng tao si Cristo at sasambahin ang praktikal na Diyos sa kanyang puso.

Alam nating lahat na mga nananalig na ang landas na ipinangaral ng Panginoong Jesus, ang salitang ipinahayag Niya, ang mga hiwaga ng kaharian ng langit na ibinunyag Niya, at ang mga kahilingan Niya sa tao ay katotohanang lahat, lahat ay sariling tinig ng Diyos, at lahat ay pagpapamalas ng disposisyon ng buhay ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano Siya. Ang ginawa Niyang mga himala—pagpapagaling ng maysakit, pagpapalayas ng mga demonyo, pagpayapa sa hangin at dagat, pagpapakain ng limang libo gamit ang limang tinapay at dalawang isda, at pagpapabangon ng patay—lahat ay pagpapamalas ng sariling awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Ang mga naghangad ng katotohanan noong panahong iyon, tulad nina Pedro, Juan, Mateo, at Natanael, ay natanto mula sa salita at gawa ng Panginoong Jesus na Siya ang ipinangakong Mesiyas, at sumunod sa Kanya at tinanggap ang Kanyang kaligtasan. Samantalang ang mga Judiong Fariseo, kahit narinig ang mga sermon ng Panginoong Jesus at nakikita Siyang gumagawa ng mga himala, ay nakita pa rin Siya bilang karaniwang tao, na walang kapangyarihan o mataas na katayuan, Kaya’t buong katigasan nilang kinalaban at kinondena Siya nang walang takot. Sa huli nagawa nila ang pinakamatinding kasalanan sa pagpapako sa krus sa Panginoong Jesus. Ang aral ng mga Fariseo ay nananawagan para sa malalim na pagmumuni! Malinaw na inilalantad nito ang kanilang anticristong kalikasan na namumuhi sa katotohanan at namumuhi sa Diyos, at ibinubunyag ang kahangalan at kamangmangan ng tiwaling sangkatauhan. Sa kasalukuyan, ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos, tulad ng Panginoong Jesus, ay ginagawa ang gawain ng Diyos Mismo sa loob ng normal na pagkatao. Ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan na kailangan ng tiwaling sangkatauhan upang maligtas, at nagsasagawa ng paghatol simula sa bahay ng Diyos sa mga huling araw. Hindi lamang Niya hinahatulan at inilalantad ang mala-satanas na kalikasan ng tiwaling sangkatauhan at ang katotohanan ng kanilang katiwalian, ibinunyag din Niya ang lahat ng hiwaga ng anim na libong taon ng plano ng pamamahala ng Diyos ukol sa pagliligtas sa sangkatauhan, ipinaliwanag ang landas kung saan maaaring makalaya ang sangkatauhan mula sa kasalanan, makamit ang pagdalisay at mailigtas ng Diyos, ibinunyag ang likas na matuwid na disposisyon ng Diyos, ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, at ang kakaibang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos… Ang salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na pagpapakilala ng identidad at sangkap ng Diyos Mismo. Sa mga araw na ito, lahat ng sumusunod sa Makapangyarihang Diyos ay narinig ang tinig ng Diyos sa salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, nakita ang pagpapakilala ng salita ng Diyos sa katawang-tao at lumalapit sa luklukan ng Makapangyarihang Diyos, tumatanggap ng pagdadalisay at pagperpekto ng Diyos. Ang mga taong nasa relihiyosong daigdig na nagtatatwa, kumakalaban, at nagkokondena sa Makapangyarihang Diyos ay nakagawa ng pagkakamaling tulad ng mga Judiong Fariseo, na nakikitungo kay Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, na tulad ng iba pang karaniwang tao, na walang kahit kaunting pagsisikap sa paghahanap at pag-aaral ng lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, kaya’t muli nilang ipinapako sa krus ang Diyos at pinapagalit ang disposisyon ng Diyos. Gaya ng makikita, kung panghahawakan ng tao ang kanyang mga pagkaintindi at imahinasyon, at hindi hinahanap at pinag-aaralan ang mga katotohanan na ipinapahayag ni Cristo, hindi niya makikilala ang tinig ng Diyos na ipinahayag ni Cristo, hindi magagawang tanggapin at sundin ang gawain ni Cristo, at hindi kailanman matatanggap ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Kung hindi nauunawaan ng tao ang katotohanan ng pagkakatawang-tao, hindi niya magagawang tanggapin at sundin ang gawain ng Diyos, ikokondena niya si Cristo at kakalabanin ang Diyos, at malamang din na matanggap niya ang parusa at mga sumpa ng Diyos. Kaya’t sa ating pananampalataya, upang maligtas ng Diyos, napakahalaga na hanapin natin ang katotohanan at unawain ang hiwaga ng pagkakatawang-tao!

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan

Sinundan: Tanong 10: Maraming kapatid na nananalig sa Panginoon ang hindi pa nalilinawan at naniniwala rito: Tinubos tayo ng Panginoong Jesus mula sa ating mga kasalanan at itinuturing na Niya tayong natubos na mula sa kasalanan. Basta’t nagdurusa tayo at nagsasakripisyo para ikalat ang ebanghelyo ng Panginoon, at kumikilos tayo nang maayos at tumatayo ring mga saksi, pagdating ng Panginoon dapat tayong madala sa kaharian ng langit. Susundin natin ang Panginoon hanggang wakas, hindi natin Siya nilalabanan o tinatanggihan ang Kanyang pangalan, kaya bakit kailangan pa rin tayong sumailalim sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw?

Sumunod: Tanong 2: Bakit kailangang maging tao ang Diyos para magawa ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Sa Kapanahunan ng Kautusan, ginamit ng Diyos si Moises para gawin ang Kanyang gawain, kaya bakit hindi maaaring gamitin ng Diyos ang tao upang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 3: Simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, Kapatid na Zhang, Kapatid na Xu, simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, mas lalong kinokondena ng mga pastor at elder ng relihiyon ang Makapangyarihang Diyos, ginagawa nila ang lahat para hadlangan tayo sa pag-aaral ng totoong daan. Hindi ito naiba sa pagkalaban at pagkondena noon ng mga Judiong Fariseo sa Panginoong Jesus! Nag-iisip-isip ako nitong, bakit dalawang beses na nagpakita ang Diyos sa katawang-tao para gumawa at makalawang nakaharap ang pagkondena at pang-uusig ng lahat ng relihiyon at ng gobyernong ateista? Sa mga huling araw, nagpapakita at gumagawa ang Makapangyarihang Diyos para lamang ipahayag ang katotohanan, sa pagsasalita at paggawa para linisin at iligtas ang sangkatauhan. Bakit matindi ang galit kay Cristo ng mga relihiyon at ng gobyernong Komunista ng Tsina? na pinakikilos pa nila ang media corp at sandatahang puwersa ng pulisya para ikondena, lapastanganin, hulihin at patayin si Cristo? Dahil dito naaalala ko noong narinig ni Haring Herodes na ang Hari ng mga Judio, o ang Panginoong Jesus ay isinilang, ipinapatay niya ang lahat ng lalaking sanggol sa Bet-lehem na wala pang dalawang taong gulang. Mas gugustuhin niyang ipapatay ang libu-libong inosenteng mga sanggol kaysa hayaang mabuhay si Cristo. Noong dumating ang Diyos sa katawang-tao para sa kaligtasan ng sangkatauhan, bakit hindi tinanggap ng mga relihiyon at gobyerno ang Kanyang pagdating kundi galit na galit na kinondena at nilapastangan ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Bakit inubos niya ang kabuhayan ng buong bansa para lang maipako sa krus si Cristo? Bakit napakasama ng sangkatauhan at matindi ang galit laban sa Diyos?

Sagot: Ang tanong na ito ay napakahalaga, at iilan lamang sa buong sangkatauhan ang makauunawa dito nang lubusan! Ang dahilan ng matinding...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito