Tanong 5: Naniniwala ako na kinasihan ng Diyos ang buong kasulatan! Di pwedeng magkamali ang salita ni Pablo! Dahil napakalinaw ng pagkukumpara n’yo ng mga salita ng Diyos sa mga salita ng tao sa Biblia, papa’no matutukoy ng isang tao kung alin ang mga salita ng Diyos at alin ang sa tao?

Sagot: Sino ma’ng nakabasa sa Biblia, basta normal ang pag-iisip, malinaw na makikita kung aling mga salita sa Biblia ang sa Diyos at alin ang sa tao. Kaso nailigaw na ang karamihan ng pahayag ni Pablo’ng “Lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” Ang totoo niyan, sa buong Biblia, mga salita lang ng Diyos na si Jehova, ng Diyos na hinatid ng mga propeta, ng Panginoong Jesus, ng Banal na Espiritu, at ang inihayag ng Diyos kay Juan sa Pahayag ang nagmula mismo sa Diyos at mga salita ng Diyos. Maliban sa mga ’to, ang mga talambuhay ng tao, at sulat ng mga apostol, mga salita ’yon ng tao. Mga personal na karanasan at pananaw lang ’yon, hindi mga salita ng Diyos, at ’di rin masasabing salita ng Diyos. Dahil sa sinabi ni Pablo’ng “Lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos,” napagpasyahan ng mga pastor na lahat ng mga salita sa Biblia ay mga salita ng Diyos, at tinuring na salita ng Diyos ang salita ng tao sa Biblia. Nakatuon lang sila sa pangangaral sa mga salita ng tao sa mga sermon nila, pero ’di nila binabanggit ang salita ng Diyos. Ipinapalit nila’ng salita ng tao sa salita ng Diyos, na lubos na pagtalikod sa mga utos ng Diyos. Mabigat na bagay ito! Dahil diyan, lahat ng relihiyoso ay mga salita lang ng tao ang sinasamba at lumalayo sa salita ng Diyos, na nakatuon lang sa pagsunod sa salita ng tao at hindi sa Diyos. Di ba pagkagat ’yan sa panlilinlang ni Satanas? Dahil diyan, nang pumarito ang Makapangyarihang Diyos para gawin ang Kanyang paghatol sa mga huling araw, patuloy na naniwala’ng mga tao sa Biblia dahil sa panlilinlang na ’to, tinuligsa at kinalaban nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Matibay na ebidensya ’yan na kinalaban ng mga Fariseo ang Diyos at malinaw na tanda ng pagkaipokrito nila.

mula sa iskrip ng pelikulang Kumawala sa Bitag

Sinundan: Tanong 4: Madalas ipaliwanag ng mga pastor ang mga salita ng tao sa Biblia, lalo na yung kay Pablo sa halip na talakayin ang mga salita ng Panginoon, o ang mga intensyon Niya. Pero meron pa rin akong ’di naiintindihan. ’Di ba kinasihan ng Diyos ang buong kasulatan? Di ba salita ng Diyos ang lahat ng nasa Biblia? Ba’t kailangan niyong tukuyin nang napakalinaw ang mga salita ng tao at ng Diyos sa Biblia? Hindi ba kinasihan ng Diyos ang lahat ng salita ng tao sa Biblia?

Sumunod: Tanong 6: Di ako sang-ayon sa sinabi mo! Pananalig sa Diyos ang paniniwala sa Biblia. ’Di pananalig sa Diyos ang paglayo sa Biblia!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito