717 Ang mga Saksi ng Diyos ay Iyon Lamang May Pagbabago ng Disposisyon

Ang pagbabago ng disposisyon ng tao

nagmumula sa iba’t ibang gawain ng Diyos.

Kung walang pagbabago, di makapagpapatotoo

o makakaayon sa puso ng Diyos ang tao.

Sa pagbabago ng disposisyon niya

kay Satanas at sa kadiliman, nakalaya na siya.

Huwaran siya talaga ng gawain ng Diyos.

Umaayon siya sa puso ng Diyos, siya’y saksi Niya.

Ngayon dumating Siyang nagkatawang-tao sa lupa,

upang Kanyang gawain ay isagawa.

Gusto Niyang makilala nila Siya,

sundin Siya’t magpatotoo sa Kanya.

Para malaman ang praktikal na gawain Niya,

gawain Niya’t salitang lihis

sa kanilang pag-unawa’y sundin,

saksihan ang pagliligtas na Kanyang gawain

at mga nagawa Niya upang tao ay lupigin.


Mga nagpapatotoo sa Diyos dapat may alam sa Kanya.

Ang patotoong ito lang ang praktikal,

ito lang nagpapahiya kay Satanas.

Ginagamit ng Diyos para magpatotoo sa Kanya

ang mga nakakilala na sa Kanya,

dahil tinabasan at napakitunguhan

napailalim sa paghatol Niya.

Mga nagawang tiwali ay ginagamit Niya

at yaong ang disposisyon ay nabago na nila,

sa gayo’y natamo na ang Kanyang

mga pagpapala upang patotohanan Siya.

Hindi niya kailangan papuri ng tao,

ni ang papuri at patotoo ng kauri

ni Satanas na di Niya inililigtas.

Yaon lamang mga kilala ang Diyos

ang tunay na makakapagpatotoo sa Kanya;

yaon lamang mga nagbago ang makakagawa nito.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos

Sinundan: 716 Tanging Yaong Mga May Katotohanan ang Makakapagsabuhay ng Isang Tunay na Buhay

Sumunod: 718 Magkaroon ng Paniniwala sa Pagbabago sa Disposisyon

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito