716 Tanging Yaong Mga May Katotohanan ang Makakapagsabuhay ng Isang Tunay na Buhay

1 Kung may tunay na pagkaunawa ang mga tao sa disposisyon ng Diyos, at nakapagbibigay ng taos-pusong papuri sa Kanyang kabanalan at katuwiran, nangangahulugan ito na tunay nga silang kumikilala sa Kanya at nagtataglay ng katotohanan; saka lamang sila mabubuhay sa liwanag. Kapag nagbago na ang pananaw ng isang tao sa mundo at sa buhay, saka lamang siya magkakaroon ng malaking pagbabago. Kapag ang isang tao ay may layunin sa buhay at kumikilos ayon sa katotohanan, kapag ganap siyang nagpapasakop sa Diyos at nabubuhay ayon sa Kanyang mga salita, kapag panatag siya at natatanglawan hanggang sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa, kapag walang kadiliman sa kanyang puso, at kapag siya ay nakapamumuhay nang lubos na malaya at hindi napipigilan sa presensya ng Diyos, saka lamang siya makapamumuhay ng isang tunay na buhay ng tao, at saka lamang siya magiging isang taong nagtataglay ng katotohanan.

2 Ang lahat ng katotohanang taglay mo ay mula sa mga salita ng Diyos at mula sa Diyos Mismo. Ang Naghahari sa buong sansinukob at sa lahat ng bagay—ang Kataas-taasang Diyos—ay sinasang-ayunan ka bilang isang tunay na taong namumuhay ng tunay na buhay ng tao. May mas makabuluhan pa ba kaysa dito? Ito ang ibig sabihin ng pagtataglay ng katotohanan. Tanging ang Diyos lamang ang katotohanan. Kinokontrol ng Diyos ang kalangitan at lupa at lahat ng bagay na naroroon, at pinaghaharian ang lahat. Ang hindi pagsampalataya sa Diyos at hindi pagpapasakop sa Diyos ay hindi pagkakamit ng katotohanan. Kung namumuhay ka nang naaayon sa mga salita ng Diyos, sa kaibuturan ng iyong puso, makakaramdam ka ng maginhawang pagliwanag, at magtatamasa ka rin ng walang-katulad na tamis. Kapag nangyari iyon, nagawa mo nang makamit ang buhay.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

Sinundan: 715 Ito ang Wangis ng Isang Tunay na Tao

Sumunod: 717 Ang mga Saksi ng Diyos ay Iyon Lamang May Pagbabago ng Disposisyon

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

85 Kasama Ka Hanggang Wakas

ⅠNagpapaanod ako’t nilalakbay ang mundo,pakiramdam ay wala sa sarili at sa loob ay walang-kakayanan.Ginising ng Iyong mga malalambing na...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito