718 Magkaroon ng Paniniwala sa Pagbabago sa Disposisyon

1 Ang isang pagbabago sa disposisyon ay hindi nangyayari nang magdamagan; ito ay isang katunayan. Ito ay dahil ang isang pagbabago sa disposisyon ay natatamo sa pamamagitan ng pagtuklas sa pinagmumulan ng tiwaling diwa ng isang tao. Sa prosesong ito, matapos sumailalim sa maraming bagay, marahil ay mauunawaan mo lang ang isang aspeto ng katotohanan, at pagkatapos lang noon mo makakamit ang isang aspeto ng pagbabago sa iyong disposisyon. O, marahil pagkatapos lang dumanas ng maraming tao, pangyayari, bagay, at iba’t ibang kapaligiran, at matapos tumahak ng maraming paliku-likong daan, mo magagawang magkamit ng katiting na pagbabago. Gaano man kalaki ang iyong pagbabago, mahalaga ito sa mga mata ng Diyos. Pinapahalagahan at tinatandaan Niya ito dahil nagdusa ka nang malaki at nagbayad ng malaking halaga. Nakikita ng Diyos ang kaibuturan ng mga puso ng mga tao, at alam Niya kung ano ang mga inaasam mo. Alam din Niya kung ano ang mga kahinaan mo, at higit pa roon, alam Niya kung ano ang kailangan mo.

2 Sa Biblia, may isang kuwento tungkol sa pagbabalik ng alibughang anak. Bakit nagkuwento ang Panginoong Jesus ng gayong parabula? Ito ay dahil ang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan ay wagas. Binibigyan Niya ang mga tao ng mga pagkakataon na magsisi at mga pagkakataon na magbago, at sa prosesong ito, nauunawaan Niya ang mga tao at alam Niya nang lubusan ang kanilang mga kahinaan at lawak ng kanilang kasamaan. Alam Niyang matitisod at matutumba sila. Sinusuri ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao. Gaano ka man kahina, hangga’t hindi mo tinatalikuran ang pangalan ng Diyos, hangga’t hindi mo iniiwan ang Diyos, at hindi lumalayo mula sa daang ito, sa gayon lagi kang magkakaroon ng pagkakataon na makamit ang disposisyonal na pagbabago. Sa oras na malaman natin kung ano ang isang pagbabago sa disposisyon, at kapag naunawaan natin kung anong uri ng proseso ang dapat nating pagdaanan upang makaranas ng isang pagbabago sa disposisyon, hindi tayo dapat matakot. Sa halip, dapat tayong magkaroon ng tiwala. Pagdating sa pagtatamo ng isang pagbabago sa disposisyon, makikita nating ang gawain ng Diyos ay kapwa makatotohanan at praktikal, at na mayroon Siyang kapangyarihang iligtas ang mga tao mula sa diwa ng katiwalian ni Satanas at agawin sila mula sa mga kamay ni Satanas. Mayroon din Siyang kapangyarihan at karunungan para hayaan ang mga taong magtamo ng isang pagbabago sa disposisyon.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Landas ng Pagsasagawa Tungo sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao

Sinundan: 717 Ang mga Saksi ng Diyos ay Iyon Lamang May Pagbabago ng Disposisyon

Sumunod: 719 Yaong mga Tunay na Sumusunod sa Gawain ng Diyos ang Maaari Niyang Makamit

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito