676 Sa Pagpipino Nagkakaroon ng Pananampalataya
I
Sa pananampalataya mo lang
makikita ang Diyos,
‘pag mayroon ka nito
gagawin ka Niyang perpekto.
Kung walang pananalig,
ito’y ‘di Niya magagawa,
ito ay hindi Niya magagawa.
‘Pag ika’y nananalig
na makikita mo ang Kanyang mga kilos
sa’yong karanasan,
magpapakita sa’yo ang Diyos,
at liliwanagan at gagabayan ka Niya
mula sa’yong loob.
Kung wala ang pananalig na ‘yon,
‘di ‘yan magagawa ng Diyos.
Kung nawalan ka na ng pag-asa sa Diyos,
pa’no mo mararanasan ang gawain Niya?
Samakatwid, ‘pag may pananalig lang
at sa Diyos ‘di nag-aalinlangan,
‘pag ika’y mayro’n lang
tunay na pananalig sa Diyos,
saka ka Niya liliwanagan at tatanglawan,
saka mo lang makikita ang mga kilos Niya.
Sa pananalig lang nakakamtan ang lahat ng ito.
Pananalig ay nakakamtan lang sa pagpipino’t
kung walang pagpipino, walang pananalig.
II
Ano ba ang tinutukoy
ng salitang “pananampalataya”?
Ito’y tunay na paniniwala at pusong tapat
na dapat taglayin ng mga tao
‘pag may ‘di sila nakikita’t nahahawakan,
‘pag gawain Niya’y ‘di ayon sa kuru-kuro ng tao,
‘pag ito’y ‘di maarok ng tao.
Ito ang pananampalatayang binabanggit Niya.
Pananampalataya’y kailangan ng mga tao
sa mga panahon ng paghihirap at pagpipino,
at pananampalataya’y sinusundan ng pagpipino;
ang mga ito’y ‘di mapaghihiwalay.
Pa’no man gumagawa ang Diyos
at anumang sitwasyon mo,
nagagawa mong maghangad
ng buhay at katotohanan,
at malaman ang gawain ng Diyos,
at maunawaan ang Kanyang mga kilos,
at nagagawa mong kumilos ayon sa katotohanan.
Paggawa nito’y pagkakaroon
ng tunay na pananalig,
at nagpapakitang ‘di ka nawalan
ng pananalig sa Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino