677 Paano Ibigin ang Diyos sa Panahon ng Pagpipino
Paano ibigin ang Diyos sa panahon ng pagpipino?
I
Tanggapin ito nang may
pagpapasiyang mahalin Siya.
Sa panahong ito, loob mo’y nagdurusa.
Para bang isang kutsilyo
ang nakapilipit sa puso mo.
Ngunit handa kang mapalugod ang Diyos
gamit ang iyong pag-ibig,
at ayaw mong iniintindi ang laman.
Ito ang kahulugan ng pagsasagawa
sa pag-ibig sa Diyos.
Ito’ng pagsasagawa sa panahon ng pagpipino.
Sa pagmamahal sa Diyos bilang pundasyon,
sa pagpipino, mas mapapalapit ka sa Diyos,
at magiging mas matalik sa Kanya.
II
Loob mo’y nasasaktan, pasakit mo’y tumitindi,
ngunit handa ka pa ring
manalangi’t lumapit sa Diyos:
"O Diyos, ‘di Kita maaaring iwan.
May kadiliman sa akin,
ngunit nais kong mapalugod Ka, ito’y totoo.
O, Diyos, naniniwala akong
batid Mo ang puso ko.
Nawa’y mamuhunan Ka sa akin
ng mas higit Mong pag-ibig."
Ito’ng pagsasagawa sa panahon ng pagpipino.
Sa pagmamahal sa Diyos bilang pundasyon,
sa pagpipino, mas mapapalapit ka sa Diyos,
at magiging mas matalik sa Kanya.
III
Sa mahigpit na pagpipino,
tao’y madaling mabitag sa impluwensiya ni Satanas.
Kaya pa’no mo dapat ibigin ang Diyos
sa panahong gaya nito?
Tipunin iyong hangarin,
iyong puso’y ialay sa harap ng Diyos,
ilaan ang nalalabi mong araw sa Kanya.
Paano ka man Niya pinipino,
isagawa’ng katotohanan upang palugdan ang Diyos,
hanapin Siya’t makipagbahaginan.
Kapag ginagawa mo’ng iyong tungkulin,
‘di mo man nagagawa nang maayos,
ngunit ito’ng makakaya mo,
lahat para sa pag-ibig sa Diyos.
Anumang isipin ng mga tao,
tama ang intensyon mo,
hindi ka mapagmagaling,
dahil kumikilos ka sa ngalan ng Diyos.
Ito’ng pagsasagawa sa panahon ng pagpipino.
Sa pagmamahal sa Diyos bilang pundasyon,
sa pagpipino, mas mapapalapit ka sa Diyos,
at magiging mas matalik sa Kanya.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig