675 Ang Layunin ng Gawain ng Pagpipino ng Diyos
I
Pagpipino’y ‘di madali kanino man,
kay hirap tanggapin ng proseso.
Nguni’t sa pagpipino’y ‘binubunyag ng Diyos
matuwid Niyang disposisyon sa tao;
pinapakita’ng hinihiling, handog kaliwanagan,
pagtatabas, pakikitungo’y marami pa.
Pagpipino’y ‘di pag-aalis ng tao
mula sa harap ng Diyos,
ni pagwasak sa kanya sa impiyerno.
Ito’y para baguhin disposisyon niya,
intensiyon, lumang pananaw,
kanyang pag-ibig sa Diyos,
at ng buong buhay, ng kanyang buong buhay.
II
Sa paghahambing ng katunaya’t katotohanan,
handog ng Diyos ay higit na kaalaman
ng sarili, katotohana’t kalooban Niya,
hinahayaang tao’y magkaro’n
ng mas tunay at wagas na pag-ibig sa Diyos—
layunin ng Diyos habang Siya ay nagpipino.
Pagpipino’y ‘di pag-aalis ng tao
mula sa harap ng Diyos,
ni pagwasak sa kanya sa impiyerno.
Ito’y para baguhin disposisyon niya,
intensiyon, lumang pananaw,
kanyang pag-ibig sa Diyos,
at ng buong buhay, ng kanyang buong buhay.
III
Lahat ng gawain sa tao’y may layuni’t halaga.
Gawain Niya’y ‘di kailanman walang-saysay.
Tao’y nakikinabang dito.
Pagpipino’y pagsubok sa tao
at anyo ng tunay na pagsasanay.
Sa pagpipino lang
magagampanan ng pag-ibig ng tao
ang tungkulin nito.
Pagpipino’y ‘di pag-aalis ng tao
mula sa harap ng Diyos,
ni pagwasak sa kanya sa impiyerno.
Ito’y para baguhin disposisyon niya,
intensiyon, lumang pananaw,
kanyang pag-ibig sa Diyos,
at ng buong buhay, ng kanyang buong buhay.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig