373 Bakit Hindi Taos-Pusong Minamahal ng Tao ang Diyos?
Ⅰ
Nilikha ng Diyos lahat at sangkatauhan,
at ngayon Siya ay bumaba sa mga tao,
ngunit sila’y lumalaban at gumaganti.
Gawain Niya’y wala bang pakinabang?
‘Di Niya ba sila napapasaya?
Bakit ba nila Siya tinatanggihan?
Bakit kay lamig nila’t walang malasakit sa Diyos?
Bakit lupa’y balot ng mga bangkay?
Ito na ba ang mundong nilikha Niya para sa tao?
Bakit sa tuwing Siya ay nagbibigay ng yaman,
tao’y walang handog na kapalit?
Bakit ‘di pinahahalagahan ng tao ang binibigkas ng Diyos?
Bakit nila tinatanggihan ang mga binibigkas Niya?
‘Di Niya nais magparusa ngunit pakalmahin lang sila
at hayaang magbulay-bulay.
Ⅱ
Nilikha ng Diyos lahat at sangkatauhan,
at ngayon Siya ay bumaba sa mga tao,
ngunit sila’y lumalaban at gumaganti.
Gawain Niya’y wala bang pakinabang?
‘Di Niya ba sila napapasaya?
Bakit tao’y ‘di Siya tunay na mahal?
Bakit ‘di niya kailanman Siya hinaharap?
Maaari kayang lahat ng salita Niya’y nasayang?
Sila ba’y naglaho tulad ng init sa tubig?
Bakit ba ayaw makipagtulungan ng tao sa Diyos?
Bakit ‘di pinahahalagahan ng tao ang binibigkas ng Diyos?
Bakit nila tinatanggihan ang mga binibigkas Niya?
‘Di Niya nais magparusa ngunit pakalmahin lang sila
at hayaang magbulay-bulay.
Ⅲ
Ang araw Niya ba’y sandali ng kamatayan ng tao?
Mawawasak Niya ba sila ‘pag kaharian Niya’y nabuo na?
Bakit habang sa buong plano ng pamamahala Niya,
walang nakaintindi sa kalooban ng Diyos?
Bakit ‘di pinahahalagahan ng tao ang binibigkas ng Diyos?
Bakit nila tinatanggihan ang mga binibigkas Niya?
‘Di Niya nais magparusa ngunit pakalmahin lang sila
at hayaang magbulay-bulay.
‘Di Niya nais magparusa ngunit pakalmahin lang sila
at hayaang magbulay-bulay.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 25