Tanong 5: Noong Kapanahunan ng Biyaya ang Diyos ay nagkatawang-tao para maging alay sa pagtubos ng kasalanan at pasanin ang kasalanan ng tao. May katwiran ang lahat ng ito. Ang Panginoong Jesus ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at naging Anak ng tao upang tubusin ang sangkatauhan sa Kanyang katawan na walang kasalanan. Sa paggawa niyon lamang napahiya si Satanas. Sa mga huling araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol. Nakita nating tunay na nangyari ito. Ito ang gusto kong itanong. Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay medyo magkaiba, ang una ay sa Judea, at ang pangalawa ay sa Tsina. Ngayon, bakit kailangang dalawang beses na magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang pagliligtas sa sangkatauhan? Ano ang tunay na kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos?
Sagot: Bakit kailangang dalawang beses magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan? Linawin muna natin: Tungkol sa kaligtasan ng sangkatauhan, ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay may malalim at malawak na kahulugan. Dahil ang gawain ng kaligtasan, ito man ay tungkol sa pagtubos o sa paghatol at pagdadalisay sa mga huling araw, ay hindi maisasagawa ng tao. Kailangan na magkatawang-tao ang Diyos at Siya Mismo ang gumawa nito. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang ang Panginoong Jesus, ibig sabihin, ang Espiritu ng Diyos ay Mismong nagkaroon ng banal at walang kasalanang katawan, at ipinako sa krus para magsilbing handog alang-alang sa kasalanan, tinutubos ang tao sa kanyang pagiging makasalanan. Nauunawaan nating lahat ito. Ngunit tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, bakit Siya nagkatawang-tao bilang Anak ng tao upang magpakita at gumawa? Marami ang nahihirapang unawain ito. Kung hindi ipinaliwanag ng Makapangyarihang Diyos ang aspetong ito ng katotohanan at ibinunyag ang hiwagang ito, wala sanang nakaunawa sa katotohanang ito. Tingnan natin kung ano ang talagang sinabi ng Makapangyarihang Diyos.
Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos na, “Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, ngunit ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon, sa gayon ay makawala sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas at makabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring lubos na mapabanal ang tao. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa Kapanahunan ng Biyaya nang matapos na ang Kapanahunan ng Kautusan. Nagpatuloy ito hanggang sa mga huling araw, kung kailan ganap na dadalisayin ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo sa tao para sa kanilang pagiging mapanghimagsik. Saka lamang tatapusin ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at papasok sa kapahingahan. Samakatuwid, sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa Niya Mismo ang Kanyang gawain sa tao. Iyon ay dahil isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ang aakay sa mga tao sa kanilang mga buhay, habang ang dalawa pang iba ay binubuo ng gawain ng pagliligtas. Tanging kapag nagiging katawang-tao ang Diyos saka Siya maaaring mamuhay kasama ng tao, maranasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang normal na katawang may laman. Sa ganitong paraan lamang Niya maaaring tustusan ang mga tao ng praktikal na daan na kailangan nila bilang mga nilalang. Ang tao ay nakakatanggap ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi direkta mula sa langit bilang kasagutan sa kanyang mga panalangin. Sapagkat ang tao ay may laman at dugo, walang paraan ang tao na makita ang Espiritu ng Diyos at lalong hindi ang lapitan ang Kanyang Espiritu. Ang makakaugnayan lamang ng tao ay ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, at sa pamamagitan lamang nito na nauunawaan ng tao ang lahat ng daan at lahat ng katotohanan at matatanggap ang ganap na kaligtasan.” “Nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ang pagkakakilala ng tao sa Kanya ay malabo pa rin at hindi maliwanag. Ang tao ay laging naniwala na Siya ay anak ni David at ipinahayag na Siya ay isang dakilang propeta at ang mabuting Panginoon na tumubos sa mga kasalanan ng tao. Ang ilan, dahil sa lakas ng kanilang pananampalataya, ay gumaling sa pamamagitan lamang ng paghipo sa laylayan ng Kanyang damit; ang bulag ay nakakita at maging ang patay ay nabuhay muli. Gayunman, hindi nagawang matuklasan ng tao ang tiwaling maka-satanas na disposisyon na malalim na nakatanim sa kalooban niya at hindi rin alam ng tao kung paano iwaksi ito. … Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon ng gawain, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ay para dalisayin ang tao sa pamamagitan ng salita at sa gayo’y bigyan siya ng isang landas na susundan. Ang yugtong ito ay hindi magiging mabunga o makahulugan kung nagpatuloy ito sa pagpapalayas ng mga demonyo, sapagkat ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi maiwawaksi at ang tao ay hihinto lamang sa pagpapatawad ng mga kasalanan. Sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagkat ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Ngunit ang tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob niya at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos, at hindi pa nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawain ay ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ng tao, na nagsasanhi sa kanyang magsagawa alinsunod sa tamang landas. Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagtutustos sa buhay ng tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi. Samakatuwid, nakumpleto ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na tumapos sa plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).
Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nakikita natin na sa Kapanahunan ng Biyaya ang Diyos ay nagkatawang-tao sa unang pagkakataon para lamang gawin ang gawain ng pagtubos, gamit ang pagpapako sa krus bilang isang handog alang-alang sa kasalanan upang tubusin ang tao mula sa kanyang pagkamakasalanan, upang alisin ang tao sa mga sumpa at pagkondena ng batas. Kailangan lamang nating ipagtapat ang ating mga kasalanan at magsisi at ang ating mga kasalanan ay patatawarin. Pagkatapos ay matatamasa natin ang saganang biyaya at katotohanan. Ito ang pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus, at ito ang tunay na kahulugan ng pagiging ligtas sa pananampalataya sa Panginoon. Naliligtas tayo sa ating pananampalataya sa Panginoon at pinapatawad ang ating mga kasalanan, ngunit talaga bang naalis na ang ating pagkamakasalanan? Bagamat pinatawad na ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan, kailangan pa nating makibaka sa mga tanikala ng pagkamakasalanan, dahil taglay pa rin ang ating likas na pagkamakasalanan at makademonyong disposisyon. Kahit inamin na natin ang ating mga kasalanan sa Panginoon at nakamit ang Kanyang kapatawaran, wala tayong alam sa ating likas na pagkamakasalanan, at mas kaunti ang alam tungkol sa ating tiwaling disposisyon, isang kondisyon na mas malala kaysa sa pagkamakasalanan. Kaya lang nating kilalanin ang sariling kasalanan na mga paglabag sa batas, at ang bunga ng pagkakonsensya. Ngunit di natin nakikilala ang mas malalalim na kasalanan, ang kasalanan ng pagkalaban sa Diyos. Halimbawa, wala tayong alam tungkol sa pinag-ugatan ng pagkalaban natin sa Diyos, o kung paano naipapakita ang ating makademonyong disposisyon, o paanong umiral ang ating kalikasan na makademonyo, anong mga lason ni Satanas ang umiiral sa ating likas na pagkatao, saan nagmumula ang makademonyong pilosopiya at makademonyong katwiran at mga patakaran. Bakit kaya walang alam ang tao tungkol sa mga makademonyong bagay na ito? Sabihin nang pinatawad ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng tao, bakit hindi niya kayang agawin ang kanyang sarili mula sa mga tanikala ng pagkamakasalanan, at bakit patuloy niyang ginagawa ang mga kasalanan ding iyon? Talaga bang dalisay na ang tao kapag napatawad ang kanyang mga kasalanan? Talaga bang banal na siya? Ito ay talagang isang praktikal na isyu na tila hindi naunawaan ninuman sa Kapanahunan ng Biyaya. Bagamat sa paniniwala natin sa Panginoon, pinatatawad ang ating mga kasalanan, hindi pa rin natin batid na nagkakasala tayo, kinakalaban at pinagtataksilan ang Diyos. Alam nating mga mananampalataya ang tungkol dito. Halimbawa, kahit sumasampalataya na sa Panginoon, patuloy tayong nagsisinungaling, mapaghangad, naiinis sa katotohanan at tinatangkilik ang masama. Tayo’y arogante, taksil, makasarili at ganid pa rin; wala tayong magawa at bihag pa rin tayo ng tiwaling disposisyon ni Satanas. Maraming tao ang walang pagod na gumagawa para sa Panginoon, ngunit ginagawa nila ito sa pag-asang magagantimpalaan at makapapasok sa kaharian ng langit. Kapag tinatamasa nila ang biyaya ng Panginoon masaya sila at tapat sa kanilang pananampalataya sa Panginoon; ngunit kapag naharap sila sa kalamidad, o may trahedya sa pamilya, mali na ang kanilang pang-unawa, sinisisi at itinatatwa at pinagtataksilan ang Panginoon. Kapag ang gawain ng Diyos ay hindi naaayon sa kanilang mga pagkaintindi at ilusyon, tulad sila ng mga mapagpaimbabaw na Fariseo, kinakalaban at kinokondena ang Diyos. Ipinakikita nito na kahit tinanggap natin ang pagliligtas ng Panginoong Jesus at pinatawad ang ating mga kasalanan, hindi ito nangangahulugan na lubusan nating naalis ang kasalanan at banal na ngayon, lalong hindi ibig sabihin nito na naging sa Diyos tayo at nakamit ng Diyos. Kaya, sa muling pagdating ng Panginoong Jesus para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, marami sa mga relihiyosong mundo ang dumarating para hatulan, ikondena at lapastanganin ang Diyos, sinasabi sa mga tao na Siya ay kanilang kalaban at muli Siyang ipinapako sa krus. Ang mga tao bang hayagang nagkokondena at kumakalaban sa Diyos ay madadala sa kaharian ng langit dahil lamang sa pinatawad ang kanilang mga kasalanan? Papayagan ba ng Diyos ang masasamang puwersang ito na kumakalaban sa Diyos na makapasok sa kaharian ng langit? Dadalhin ba ng Diyos ang mga anticristong ito, na mga napopoot sa katotohanan, sa kaharian ng langit? Hindi! Dahil ang Diyos ay banal at matwid! Gaya ng nakikita ninyo, bagamat pinapatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pagsampalataya sa Panginoon, hindi natin lubusang naalis sa ating sarili ang pagkamakasalanan, ang makademonyong mga impluwensya, at lalong hindi nakamit ng Diyos at naging sa Diyos. Kaya nga, kung nais nating mga tao na alisin sa ating sarili ang kasalanan at makamit ang pagdadalisay, upang lubusang makamit ng Diyos, kailangang lubusan tayong madalisay at maligtas ng gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos.
Masyadong simple ang pananaw natin sa gawain ng pagliligtas ng Diyos, na para bang sa sandaling patawarin ang mga kasalanan ng tao ay wala nang ibang isyu, at ang gagawin na lamang ay maghintay na dalhin ng Panginoon sa kaharian ng langit. Napakawalang muwang at parang bata ang tiwaling tao! Lubhang katawa-tawa ang mga pagkaintindi at ilusyon ng tiwaling sangkatauhan! Kasalanan ba ang tanging problema na nagpapahirap sa sangkatauhan matapos gawing tiwali ni Satanas? Ano ang ugat ng kasalanan ng tao? Ano ang kasalanan? Bakit kinamumuhian ito ng Diyos? Hanggang sa araw na ito, wala ni isang may wastong pang-unawa. Ang tao ay lubusang ginawang tiwali ni Satanas, gaano katindi ang kanilang katiwalian? Walang malinis. Ang katunayan ng lubusang katiwalian ng tao ay nakita noong ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Ang katotohanan na kayang ipako sa krus ng mga tao ang maawaing Panginoong Jesus, na nagpahayag ng napakaraming katotohanan, ay talagang nagpapakita na ang tao ay naging inapo ni Satanas, lahi ni Satanas, at lubusang nawala ang kanilang pagkatao, ni hindi nila tinaglay ang pinakamaliit na uri ng rasyonalidad o konsensya. Sino sa mga tao ang nagtataglay pa rin ng normal na pagkatao? Hindi ba’t ang paglaban at matinding pagkapoot sa Diyos ng tao ay tanda na dumating na ang tao sa punto kung saan sila ba o Siya, kung saan hindi na sila maaaring makipagkasundo sa Diyos? Malulutas ba talaga ang problemang ito sa pagpapatawad ng kanilang mga kasalanan? Sino ang makagagarantiya na sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan, ang tao ay hindi lalaban sa Diyos o ituturing Siya na kaaway nila? Walang makakagarantiya! Mapapatawad ang mga kasalanan ng tao, ngunit mapapatawad ba ng Diyos ang kalikasan ng tao? Isang likas na katangian na kumakalaban sa Diyos? Mapapatawad ba ng Diyos ang makademonyong disposisyon ng tao na pumupuno sa kanya? Kung gayon, paano lulutasin ng Diyos ang mga bagay na ito na kay Satanas? Walang duda na ang Diyos ay gumagamit ng paghatol at pagkastigo. Ayos lang na sabihing, kung wala ang matwid na paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang tiwaling tao ay hindi malulupig, lalo pa silang mababaon sa lupa sa matinding kahihiyan. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit kailangang magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain ng paghatol. Marami ang nagdududa at may mga pagkaintindi tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bakit kaya ganito? Ito’y dahil sa hindi nila nakikita ang katunayan ng lubos na katiwalian ng tao. Kaya’t, ang resulta, wala silang pang-unawa sa kahulugan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Pinanghahawakan nila ang kanilang mga paniwala, at hindi hinahanap at sinisiyasat ang tunay na daan. Sa ganitong paraan, paano nila tatanggapin at susundin ang gawain ng Diyos?
Hindi natin maunawaan na mga tao ang lalim at lawak ng kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Kaya, tungkol sa kung bakit dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos, at ano ang kahulugan ng dalawang pagkakatawang-tao, para sa aspetong ito ng katotohanan, tingnan natin ang dalawang talata mula sa Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay na isinasagawa ng isang ordinaryo at normal na tao ang gawain ng Diyos Mismo; ibig sabihin, isinasagawa ng Diyos na iyon ang Kanyang banal na gawain sa pagkatao at sa gayon ay nagagapi si Satanas. Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging isang tao, ibig sabihin, ang Diyos ay nagiging tao; ang gawaing ginagawa ng tao ay ang gawain ng Espiritu, na nagiging totoo sa katawang-tao, ipinapahayag ng tao. Walang sinuman maliban sa laman ng Diyos ang makakatupad sa ministeryo ng nagkatawang-taong laman ng Diyos; ibig sabihin, tanging ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, ang normal na pagkataong ito—at wala nang iba—ang maaaring magpahayag ng banal na gawain. … Ang pagtataglay Niya ng normal na pagkatao ay nagpapatunay na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao sa laman; ang katotohanan na sumasailalim Siya sa normal na proseso ng paglaki ng tao ay lalo pang nagpapamalas na Siya ay isang normal na tao; bukod pa riyan, ang Kanyang gawain ay sapat nang patunay na Siya ang Salita ng Diyos, ang Espiritu ng Diyos, na naging tao. Ang Diyos ay naging tao dahil sa mga pangangailangan ng Kanyang gawain; sa madaling salita, ang yugtong ito ng gawain ay kailangang isagawa sa katawang-tao, kailangan itong isagawa sa normal na pagkatao. Ito ang unang kailangan para sa ‘ang Salita ay naging tao,’ para sa ‘ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao,’ at ito ang tunay na kuwento sa likod ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos.” “Bakit Ko sinasabi na hindi nakumpleto ang kahulugan ng pagkakatawang-tao sa gawain ni Jesus? Dahil ang Salita ay hindi lubos na naging tao. Ang ginawa ni Jesus ay isang bahagi lamang ng gawain ng Diyos sa katawang-tao; ginawa lamang Niya ang gawain ng pagtubos, at hindi Niya ginawa ang gawaing lubos na maangkin ang tao. Dahil dito, minsan pang naging tao ang Diyos sa mga huling araw. Ang yugtong ito ng gawain ay ginagawa rin sa isang ordinaryong katawan; isinasagawa ito ng isang lubos na normal na tao, isang tao na ang pagkatao ay hindi nangingibabaw ni katiting. Sa madaling salita, ang Diyos ay naging isang ganap na tao; Siya ay isang taong ang pagkakakilanlan ay sa Diyos, isang ganap na tao, isang ganap na katawang-tao, na nagsasagawa ng gawain” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos).
Ibinunyag ng salita ng Makapangyarihang Diyos ang kahalagahan at hiwaga ng pagkakatawang-tao. Sa pagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos nalaman natin na ang pagkakatawang-tao ay tumutukoy sa Espiritu ng Diyos na nagkaroon ng katawan at naging isang karaniwan at normal na tao para gawin ang gawain ng Diyos Mismo. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay dapat magkaroon ng normal na pagkatao, kailangang gumawa at magsalita ayon sa normal na pagkatao. Kahit kapag gumagawa Siya ng mga himala, dapat isagawa ang mga ito ayon sa normal na pagkatao. Sa panlabas na anyo, ang Diyos na nagkatawang-tao ay mukhang normal. Tila ginagawa Niya ang Kanyang gawain tulad ng isang normal, na katamtamang tao. Kung wala Siyang normal na pagkatao at gumawa sa Kanyang normal na pagkatao, hindi Siya magiging pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang ibig sabihin ng pagkakatawang-tao ay naging tao ang Espiritu ng Diyos. Sa loob ng normal na pagkatao, ipinapahayag Niya ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng Diyos Mismo, tinutubos at inililigtas ang sangkatauhan. Ito ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Ngayon, ano ang kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Ang ibig sabihin lamang nito ay na ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagkumpleto sa kahalagahan ng pagkakatawang-tao, nagsagawa sa gawain ng ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao at kinumpleto ang plano ng pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Ito ang kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Dapat malinaw sa ating lahat na ang layunin ng unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay para gawin ang gawain ng pagtubos at ihanda ang daan para sa gawain ng paghatol sa mga huling araw. Kaya’t, ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi kumumpleto sa kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Ang layunin ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw at lubusang palayain ang tao mula sa pagsakmal ni Satanas, para maalis sa tao ang kanilang makademonyong disposisyon, palayain sila mula sa impluwensya ni Satanas upang makabalik sila sa Diyos at makamit Niya. Ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, ay ipinahayag ang kabuuan ng katotohanan upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, kinumpleto ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, at ipinahayag ang lahat ng kailangang ipahayag ng Diyos sa Kanyang katawang-tao. Sa paggawa lamang nito Niya nakumpleto ang gawain ng ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao. Basahin natin ang dalawa pang talata mula sa Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Gagamitin ng Diyos ang mga salita upang lupigin ang sansinukob. Gagawin Niya ito hindi sa katawang-tao Niya, kundi sa pamamagitan ng paggamit ng mga pagbigkas mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao upang lupigin ang lahat ng mga tao sa buong sansinukob; tanging ito ang Salita na nagkatawang-tao, at tanging ito ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao. Marahil, sa mga tao, lumilitaw na parang hindi nakagagawa ng maraming gawain ang Diyos—ngunit kailangan lamang bigkasin ng Diyos ang mga salita Niya, at lubusan silang mapaniniwala at mapahahanga. Nang walang katotohanan, sumisigaw at humihiyaw ang mga tao; sa mga salita ng Diyos, nananahimik sila. Tiyak na magagawa ng Diyos ang katotohanang ito, sapagkat ito ang matagal nang itinatag na plano ng Diyos: magawa ang katotohanan ng pagdating ng Salita sa lupa” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumating Na ang Milenyong Kaharian). “Ang yugtong ito ng gawain mismo ang tumutupad sa kahulugan sa loob ng ‘ang Salita ay naging tao,’ nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa ‘ang Verbo ay sumasa Diyos, at ang Verbo ay Diyos,’ at tinutulutan ka na matibay na paniwalaan ang mga salitang ‘Nang pasimula siya ang Verbo.’ Na ibig sabihin, sa panahon ng paglikha ay may taglay na mga salita ang Diyos, ang Kanyang mga salita ay sumasa Kanya at hindi maihihiwalay sa Kanya, at sa huling kapanahunan, lalo pa Niyang nililinaw ang kapangyarihan at awtoridad ng Kanyang mga salita, at tinutulutan ang tao na makita ang lahat ng Kanyang daan—na marinig ang lahat ng Kanyang salita. Gayon ang gawain ng huling kapanahunan. Kailangan mong maunawaan ang mga bagay na ito nang lubus-lubusan. Hindi ito tungkol sa pagkilala sa katawang-tao, kundi kung ano ang pagkaunawa mo sa katawang-tao at sa Salita. Ito ang patotoo na kailangan mong ibahagi, yaong kailangang malaman ng lahat. Dahil ito ang gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao—at ang huling pagkakataon na magkakatawang-tao ang Diyos—lubos nitong kinukumpleto ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao, lubus-lubusang isinasakatuparan at inilalabas ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, at winawakasan ang panahon ng Diyos na nasa katawang-tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 4). Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kumumpleto sa lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, ibig sabihin, ang buong gawain ng Diyos sa pagliligtas sa tao. Kaya’t, sa hinaharap, ang Diyos ay hindi na muling magkakatawang-tao. Wala nang ikatlo o ikaapat na beses. Dahil ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay lubusan nang naisakatuparan. Iyan ang ibig sabihin ng pahayag na ang Diyos ay dalawang beses nagkatawang-tao para kumpletuhin ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao.
Ang Diyos ay dalawang beses nagkatawang-tao para kumpletuhin ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Para sa mga daranas pa lang sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, mahirap itong maunawaan. Iyon lamang mga taong nakaranas sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya ang nakaaalam na ang Panginoong Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao. Ngunit kaunti lamang ang nakauunawa na ang gawain ng Panginoong Jesus ay limitado sa pagtubos lamang at hindi Niya isinakatuparan ang gawain ng ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao. Na ibig sabihin, hindi ipinahayag ng Panginoong Jesus ang kabuuan ng katotohanan ng kumpletong pagliligtas sa sangkatauhan ng Diyos na nagkatawang-tao. Kaya’t sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). Ngayon ang Panginoong Jesus ay bumalik na sa laman bilang Anak ng tao. Siya ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Narito Siya ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, ipinapahayag dito ang kabuuan ng katotohanan na magdadalisay at magliligtas sa sangkatauhan, ang katotohanang nasa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao.” Ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagsasalita sa unang pagkakataon sa pagkakakilanlan ng Diyos sa buong sansinukob, ipinapahayag ang Kanyang salita. Ipinapahayag Niya ang mga detalye ng plano ng pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, ipinapahayag Niya ang kalooban ng Diyos, ang Kanyang ipinapagawa sa sangkatauhan at ang patutunguhan ng tao. Tingnan natin kung paano ito ipinapaliwanag ng Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Makatarungang sabihin na ito ang unang pagkakataon mula noong paglikha ng mundo na nangusap ang Diyos sa buong sangkatauhan. Hindi kailanman nangusap ang Diyos sa nilikhang sangkatauhan nang ganito kadetalyado at napakaayos. Siyempre pa, ito rin ang unang pagkakataon na marami Siyang sinabi, at napakatagal, sa buong sangkatauhan. Wala pang nakagawa nito kailanman. Bukod pa riyan, ang mga pagbigkas na ito ang bumubuo sa unang tekstong ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan kung saan inilalantad Niya ang mga tao, ginagabayan sila, hinahatulan sila, at nagsasalita Siya nang tapatan sa kanila at ito rin ang unang mga pagbigkas kung saan ipinaaalam ng Diyos sa mga tao ang Kanyang mga yapak, ang lugar na Kanyang pinaghihimlayan, ang disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, ang mga kaisipan ng Diyos, at ang Kanyang pag-aalala sa sangkatauhan. Masasabi na ito ang mga unang pagbigkas na sinambit ng Diyos sa sangkatauhan mula sa ikatlong langit simula noong paglikha, at ang unang pagkakataon na nagamit ng Diyos ang Kanyang likas na pagkakakilanlan upang magpakita at ipahayag ang tinig ng Kanyang puso sa sangkatauhan sa gitna ng mga salita” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Panimula). “Ito ay dahil inihahatid Ko sa mundo ang katapusan ng sangkatauhan, at mula ngayon, inilalantad Ko ang buo Kong disposisyon sa harap ng sangkatauhan, upang ang lahat ng nakakikilala sa Akin at ang lahat ng hindi ay lubos na mapagmamasdan at makikita na tunay ngang dumating na Ako sa daigdig ng tao, dumating na sa lupa kung saan nagpaparami ang lahat ng bagay. Ito ang plano Ko, at ang tangi Kong ‘pangungumpisal’ mula nang likhain Ko ang sangkatauhan. Maipagkaloob nawa ninyo ang buong pansin sa bawat galaw Ko, dahil minsan pang lumalapit ang tungkod Ko sa sangkatauhan, sa lahat ng sumasalungat sa Akin” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan).
Tungkol sa dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos para kumpletuhin ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao, may mga taong hindi makaunawa dito, dahil kulang sila sa karanasan. Kapag narinig nila ito, hindi nila ito nauunawaan. Talagang malalim ang katotohanan ng pagkakatawang-tao, kailangan ng ilang pagbabahagi para maunawaan ng mga tao. Ngayon alamin natin ang mga detalye ng gawaing isinagawa sa dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa unang pagkakatawang-tao ng Diyos, isinagawa Niya ang gawain ng pagtubos, nagpapakita ng maraming himala. Pinakain Niya ang limang libo sa limang tinapay at dalawang isda lamang. Pinayapa Niya ang hangin at mga alon sa isang salita lamang. Binuhay Niya si Lazaro. At, ang Panginoong Jesus ay nag-ayuno at tinukso sa ilang sa loob ng apatnapung araw. Lumakad Siya sa dagat, atbp. Dahil ang katawan ng Panginoong Jesus ay gumawa ng mga himala, at Siya ay nagbagong-anyo sa tuktok ng bundok, sa mga mata ng mga tao, bagamat ang Panginoong Jesus ay nagkatawang-tao, Siya ay nagtaglay pa rin ng pambihirang mga elemento. Kaiba Siya sa karaniwang tao, may mga himala saan man Siya magpakita. At, isang yugto lamang ng gawain ang ginawa ng Panginoong Jesus, ang gawain ng pagtubos. Ipinahayag lamang Niya ang katotohanan ng gawain ng pagtubos, ipinakikita lamang ang disposisyon ng habag at pag-ibig ng Diyos. Hindi Niya ipinahayag ang lahat ng katotohanan tungkol sa gawain ng paghatol at kaligtasan, at hindi Niya ipinahayag sa tao ang matwid, banal at di nasasaktang disposisyon ng Diyos. Kaya hindi masasabing nakumpleto ng unang pagkakatawang-tao ang kahulugan ng pagkakatawang-tao. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Tinupad lamang ng yugto ng gawaing isinagawa ni Jesus ang diwa ng ‘ang Verbo ay sumasa Diyos’: Ang katotohanan ng Diyos ay sumasa Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay nasa katawang-tao at hindi maihihiwalay mula sa katawang-taong iyon. Ibig sabihin, ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay sumasa Espiritu ng Diyos, na mas malaking katunayan na si Jesus na nagkatawang-tao ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 4). Ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw ay kaiba sa unang pagkakatawang-tao. Sa ikalawang pagkakatawang-tao, ang Diyos ay hindi nagsagawa ng mga himala, hindi Siya pambihira. Sa panlabas na anyo Siya’y mukhang isang normal at karaniwang tao, ginagawa ang Kanyang gawain at binibigkas ang Kanyang salita nang praktikal at makatotohanan sa mga tao. Naipahayag Niya ang katotohanan upang hatulan, dalisayin at gawing perpekto ang tao. Ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng hiwaga ng plano ng pamamahala ng Diyos, at ipinakita ang matwid at banal na disposisyon ng Diyos, ang lahat ng kung ano ang Diyos at anong mayroon Siya, ang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang ipinapagawa sa mga tao. At, hinatulan at inilantad rin Niya ang makademonyong kalikasan ng tao at ang tiwaling mga desisyon na kumakalaban sa Diyos, at sa paggawa nito, nilupig, ginawang perpekto, inilantad at inalis ang tao, bawat isa sa kanyang sariling uri. Lahat ng katotohanang ipinagkaloob ng Diyos sa tao sa mga huling araw ay ipinahayag sa loob ng normal na pagkatao ng Kanyang katawan, walang pambihira tungkol dito. Ang nakikita lamang natin ay isang normal na taong bumibigkas ng Kanyang salita at gumagawa ng Kanyang gawain, ngunit ang salitang binibigkas ni Cristo ay pawang katotohanan. Ito ay may awtoridad at kapangyarihan, kaya nitong dalisayin at iligtas ang tao. Mula sa salita ni Cristo, na humahatol at naglalantad sa katotohanan at diwa ng katiwalian ng tao, nakikita natin kung paano napapasok ng Diyos ang kaibuturan ng tao sa Kanyang pagmamasid sa kanya, kung paano lubos na nauunawaan ng Diyos ang tao. Nalalaman din ng tao ang matwid, banal, at di nasasaktang disposisyon ng Diyos. Mula sa panghihikayat at panghihimok ni Cristo, nauunawaan natin ang habag at malasakit ng Diyos sa tao. Mula sa maraming paraan kung saan nagsasalita at gumagawa si Cristo, napapahalagahan natin ang pagka-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, ang marubdob na mga balakin kung saan gumagawa ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, at ang tunay na pagmamahal ng Diyos at kaligtasan ng tao. Batay sa paraan ng pagtrato ni Cristo sa lahat ng tao, mga isyu, at mga bagay, nauunawaan natin kung paanong ang kasiyahan, galit, lungkot, at kaligayahan ng Diyos ay katunayang lahat ng mga bagay na positibo, at kung paanong ang lahat ng ito ay pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos at likas na pagpapakita ng diwa ng buhay ng Diyos. Batay sa salita at gawa ni Cristo, nakikita natin kung gaano kasukdulan at kadakila ang Diyos at kung paano Siya magpakumbaba at magkubli, nagkakaroon tayo ng tunay na kaunawaan at kaalaman sa orihinal na disposisyon at tunay na mukha ng Diyos, kaya nagkakaroon tayo ng pagkauhaw sa katotohanan at paggalang sa Diyos sa ating mga puso, upang tunay na mahalin at sundin ang Diyos. Ito ang epekto sa atin ng salita at gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Hindi lamang itinutulot ng salita at gawa ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos na makita ng tao na nagkatawang-tao ang Diyos kundi tinutulutan din silang makita ang katunayan ng pagpapakita ng salita ng Diyos sa katawang-tao. Isinasagawa ng salita ng Diyos ang lahat ng bagay. Itong normal, karaniwang katawan ay ang sagisag ng Espiritu ng katotohanan. Ang Diyos na nagkatawang-tao ang katotohanan, ang daan, at ang buhay! Siya ang pagpapakita ng tanging tunay na Diyos! Tanging sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos nakumpleto ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao.
Basahin natin ang dalawa pang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos, upang maging mas malinaw pa ang ating pagkaunawa sa katotohanan at hiwagang ito. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos na, Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang yugtong ito ng gawain mismo ang tumutupad sa kahulugan sa loob ng ‘ang Salita ay naging tao,’ nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa ‘ang Verbo ay sumasa Diyos, at ang Verbo ay Diyos’” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 4). “Sa Kapanahunan ng Kaharian, nagwiwika ang Diyos na nagkatawang-tao ng mga salita upang lupigin ang lahat ng naniniwala sa Kanya. Ito ay ‘ang Salita na nagpapakita sa katawang-tao’; dumating ang Diyos sa panahon ng mga huling araw upang gawin ang gawaing ito, na ang ibig sabihin, naparito Siya upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salita na nagpapakita sa katawang-tao. Nagwiwika lamang Siya ng mga salita, at bihirang may pagdating ng mga katunayan. Ito ang pinakadiwa ng Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at kapag nagwiwika ng Kanyang mga salita ang Diyos na nagkatawang-tao, ito ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao, at ang Salita na nagiging katawang-tao. ‘Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Diyos, at ang Verbo ay Diyos, at nagkatawang-tao ang Verbo.’ Ito (ang gawain ng pagpapakita ng Salita sa katawang-tao) ay ang gawain na tutuparin ng Diyos sa mga huling araw, at ang huling kabanata ng Kanyang buong plano ng pamamahala, at naparito nga ang Diyos sa lupa at naghayag ng Kanyang mga salita sa katawang-tao. Yaong ginagawa ngayon, yaong gagawin sa hinaharap, yaong tutuparin ng Diyos, ang huling hantungan ng tao, yaong mga maliligtas, yaong mga mawawasak, at iba pa—maliwanag nang nakasaad ang lahat ng gawaing ito na dapat makamit sa katapusan, at ang lahat ay upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salita na nagpapakita sa katawang-tao. Ang mga atas administratibo at saligang-batas na dati nang nailabas, yaong mga mawawasak, yaong mga mamamahinga—dapat na matupad ang lahat ng salitang ito. Ito ang gawaing pangunahing natupad ng Diyos na nagkatawang-tao sa panahon ng mga huling araw. Pinangyayari Niya ang mga tao na maunawaan kung saan nabibilang yaong mga itinadhana ng Diyos at kung saan nabibilang yaong mga hindi itinadhana ng Diyos, kung paano mapapagbukud-bukod ang Kanyang mga tao at mga anak, ano ang mangyayari sa Israel, ano ang mangyayari sa Egipto—sa hinaharap, matutupad ang bawat isa sa mga salitang ito. Bumibilis ang mga hakbang ng gawain ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang salita bilang paraan upang ihayag sa tao kung ano ang gagawin sa bawat kapanahunan, kung ano ang gagawin sa mga huling araw ng Diyos na nagkatawang-tao, at ang ministeryo na Kanyang gagampanan, at lahat ng salitang ito ay upang isakatuparan ang aktuwal na kabuluhan ng pagpapakita ng Salita sa katawang-tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos).
Matapos basahin ang mga talatang ito ng salita ng Makapangyarihang Diyos, tiwala ako na lahat ay may dagdag na kaalaman kung paano kinukumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao! Alam na natin ngayon ang katotohanan na ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay isinasagawa sa pamamagitan ng gawain ng pagkakatawang-tao. Ang yugto ng gawain na isinagawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos. Ang ipinahayag Niyang mga katotohanan ay masyadong limitado, kaya’t, sa pagdanas sa gawain ng Panginoong Jesus, ang kaalaman natin tungkol sa Diyos ay limitado pa rin noon. Ang Makapangyarihang Diyos ay naparito para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at ipinahayag ang buong katotohanan tungkol sa matwid na paghatol ng Diyos sa katiwalian ng tao. Itinutulot nito na makita ng tao ang likas na disposisyon ng Diyos at malaman ang Kanyang matwid at banal na diwa. Kaya’t, ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay lubusang kinumpleto ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ipinahayag Niya ang kabuuan ng katotohanan na ipapahayag ng Diyos sa katawang-tao, sa gayon ay isinasakatuparan ang katotohanan na ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao. Ganitong kinukumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahulugan ng pagkakatawang-tao. Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kailangang-kailangan, at suplemento at kapupunan ng isa’t isa. Kaya hindi maaaring sabihin ng isang tao na ang Diyos ay minsan lamang magkakatawang-tao, o na Siya ay magkakatawang-tao nang tatlo o apat na beses. Dahil nakumpleto na ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, at ipinahayag ang buong katotohanang nagliligtas sa sangkatauhan na dapat ipahayag ng mga pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa gayon, nakumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahulugan ng pagkakatawang-tao.
mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong