1026 Gumagawa ng Angkop na mga Pagsasaayos ang Diyos para sa Bawat Uri ng Tao
I
Likha ng Diyos ang lahat ng tao.
Anuman ang lahi, sila’y Kanya.
Silang lahat ay inapo ni Adan at Eba.
Anuman ang uri, sila’y Kanya.
Yamang nabibilang sila sa sangkatauhan,
at sila’y pag-aari ng Diyos,
dapat sila’y may hantungan
ayon sa tuntuning nagsasaayos sa kanila.
Ang gumagawa ng masama’y lilipulin
at ang matuwid ay makaliligtas.
Ito’ng angkop na pagsasaayos
para sa bawat uri ng nilalang na ito.
‘Di tutulutan ng Diyos
na makaligtas ang masasama.
Yaong nagpapasakop at sumusunod sa Diyos
hanggang sa katapusan ay mabubuhay.
Yamang namamahala’ng Diyos sa lahat ng tao,
gumagawa Siya ng angkop na pagsasaayos,
iba’t ibang kalalabasan sa iba’t ibang tao.
II
Ang huling pagsasaayos ng Diyos para sa tao’y
biyakin ang mga pamilya, bansa’t hangganan,
‘pagkat mga tao’y galing sa iisang ninuno,
at tao’y mga likha ng Diyos.
Walang mga pamilya, bansa o lahi
‘pag tao’y dumating sa huling hantungan.
At ito’y isang uri ng sangkatauhang
magiging pinakabanal na uri.
‘Di tutulutan ng Diyos
na makaligtas ang masasama.
Yaong nagpapasakop at sumusunod sa Diyos
hanggang sa katapusan ay mabubuhay.
Yamang namamahala’ng Diyos sa lahat ng tao,
gumagawa Siya ng angkop na pagsasaayos,
iba’t ibang kalalabasan sa iba’t ibang tao.
III
Pagkatapos ng gawain ng Diyos,
ilan ay mabubuhay at ilan ay mamamatay.
Ito’y ‘di maiiwasan. ‘Di ito maitatanggi.
‘Di tutulutan ng Diyos
na makaligtas ang masasama.
Yaong nagpapasakop at sumusunod sa Diyos
hanggang sa katapusan ay mabubuhay.
Yamang namamahala’ng Diyos sa lahat ng tao,
gumagawa Siya ng angkop na pagsasaayos,
iba’t ibang kalalabasan sa iba’t ibang tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama