27 Kapag Kumidlat mula sa Silangan
I
Kapag nagbibigay-pansin lahat ng tao,
kapag lahat ng bagay
ay nababago’t nabubuhay muli,
kapag tao’y sumusunod sa Diyos
ng walang pagdududa,
handang isabalikat ang pasanin ng Diyos,
dito lumalabas ang kidlat sa Silangan,
lahat iniilawan, Silangan patungong Kanluran,
sinisindak ang buong mundo sa liwanag nito.
Sa panahong ‘to, sinisimulan ng Diyos
ang bago Niyang buhay.
Ngayon sinisimulan ng Diyos
ang bago Niyang gawain sa mundo,
inihahayag sa lahat ng tao sa sansinukob:
Kapag lumalabas ang kidlat mula sa Silangan,
siya ring nagsisimulang magsalita ang Diyos.
Sa sandaling lumalabas ang kidlat,
nagliliwanag ang kalangitan,
lahat ng bitui’y nagbabago,
lahat ng bitui’y nagbabago.
II
Mula noong napatotohanan ang Diyos
hanggang sa nagsimula Siyang gumawa
hanggang sa ang pagka-Diyos
ang naghahari sa buong mundo,
ito ang sinag ng kidlat sa Silangan,
na nagniningning sa buong sansinukob.
‘Pag mga kaharian sa lupa’y nagiging kay Cristo,
siya ring pag-ilaw ng sansinukob.
Ngayon ang oras ng pagkinang
ng kidlat sa Silangan:
Diyos sa katawang-tao’y gumagawa’t
sa pagka-Diyos ay nagsasalita.
Kapag nagsisimula nang magsalita
ang Diyos sa daigdig,
siya ring lumalabas ang kidlat sa Silangan.
Kapag ang tubig na buhay
ay umaagos mula sa trono,
kapag ang tinig mula sa trono’y nagsisimula na,
ay siya ring nagsisimulang
magsalita ang pitong Espiritu.
III
Ngayon ang kidlat ng silangana’y kumikinang na;
dahil sa pagkakaiba ng panahon,
nag-iiba-iba ang antas ng pagliliwanag,
nililimitahan ang saklaw ng kaningningan nito.
Ngunit habang ang Kanyang
plano’t gawai’y nagbabago—
habang nag-iiba-iba’ng Kanyang plano’t gawain
sa mga anak at tao Niya—
ginagawa ng liwanag ang likas nitong tungkulin,
kumikinang ang sansinukob
nang walang naiiwang latak.
Ito ang bunga
ng anim na libong taong plano ng Diyos,
ang mismong bagay na tinatamasa ng Diyos.
Kapag ang ilaw ng Diyos
ay lumiliwanag na sa daigdig,
lahat ng bagay sa langit at lupa’y magbabago.
At mga bituin sa langit ay magbabago,
ang araw at buwa’y muling magbabago,
at ang tao sa lupa’y muling magbabago—
ito ang gawain ng Diyos sa langit at lupa.
At mga bituin sa langit ay magbabago,
ang araw at buwa’y muling magbabago,
at ang tao sa lupa’y muling magbabago—
ito ang gawain ng Diyos sa langit at lupa.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 12